Chapter 45

37.5K 447 18
                                    


Napangiti ako habang tinitingnan kung paano maglakad si Celesta. Nakangiti ito habang naglalakad papunta kay Yielo na naghihintay sa kanya sa altar. Kahit natatakpan ng belo ang kanyang mukha ay nakikita ko pa din ang kanyang papatak na luha.

Tuluyan akong napaiyak ng iabot ni Mommy Fely ang kamay nito sa anak niyang si Yielo. Hinalikan muna nito si Celesta sa noo maging si Daddy Yieler ay humalik sa noo nito.

"Baby... stop crying, please..." bulong ng katabi ko.

Pinunasan ko ang mga mata ko.

"Sorry..."

Sabay naming pinagmasdan ang dalawa. Kung paano sila manumpa sa harap ng diyos. Kung paano tagos sa puso ang bawat salitang binibitawan nila.

Kahit natapos ang wedding nila ay umiiyak pa din ako. Pangalawang beses na silang ikinasal. Sila ang mas nauna sa amin. Sa Hacienda sila unang ikinasal pero walang kahit na sinong nakakaalam kundi silang dalawa at ang paring nagkasal sa kanila.

I'm happy for them... Si Jennica at Yiem naman ang ikakasal sa susunod na taon. Hindi ko naman alam kina Yasser at Yannie kung kailan sila.

"Baby, baka mapaano ang baby natin." Napanguso lang ako.

Kung emosyonal ako sa pagbubuntis ko kay Fairah. Mas emosyonal ako ngayon sa pangalawa namin. Hindi pa naman masyadong malaki ang tiyan ko pero may umbok na.

Tinotoo niya nga ang sinabi niya na bubuntisin niya ako kapag one year old na si Fairah.

"Congratulations, kuya!" sigaw ni Yiem.

Nauna na kaming umuwi dahil medjo nahihilo na ako. Kanina ko pa talaga hindi gusto ang amoy ng simbahan. Pinilit ko lang talaga ang sarili ko dahil gusto kong masaksihan ang kasal ng dalawa.

Masayang-masaya ako para sa kanilang dalawa. Deserve nila ang isa't-isa at ang maging masaya.

"Are you okay now, baby?" tumango ako sa kanya.

Inalalayan niya akong maglakad papasok. Marahan niya akong pinaupo at naghanda siya ng pagkain. Natakam naman ako bigla ng makita ang cake.

Tinitigan niya ako habang kumakain para mapanguso ako.

"Ang cute naman ng buntis ko..." he whispered.

Marahan niya akong inilagay sa mga hita niya at siya ang nagpakain sa akin ng cake.

Naramdaman ko din ang haplos ng palad niya sa aking tummy. Hindi ko na lang 'yun pinansin at mas minabuting kumain na lang.

"Baby, hanggang dalawa lang huh. Ayoko na magbuntis."

He chuckled and wiped the side of my lips. Gamit ang kanyang labi.

"Hmmm... sapat na sa'kin ang dalawa. Babae at lalaki. Okay na'ko do'n, baby..." tumango-tango ako.

Sinubukan niya ulit ako ng cake habang hinahaplos pa din ang aking tiyan.

Humikab ako para matigilan siya.

"Inaantok ka?" tumango ako.

Puno ng pag-iingat niya akong binuhat para mapasandal ako sa kanyang dibdib habang nakakawit ang mga braso sa kanyang leeg. Nang makarating kami sa kuwarto namin ay marahan niya akong nilapag sa kama.

He kissed my forehead. Tinabihan niya ako.

"Yleo..."

"Yes, baby? May kailangan ba ang buntis ko?"

Maliit akong napangiti habang nakapikit ang mga mata.

"Love you..." batang pagkakasabi ko.

I heard his chuckled and kissed the side of my head.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Where stories live. Discover now