Chapter 8

41.8K 555 25
                                    


"Hoy, bakit ka umiiyak?" nataranta ako.

Hinawakan ko ang mukha niya para makita siya pero mas siniksik niya lang ang sarili niya.

"Baby... please, do'n say that word again. Kakahawak ko pa lang sa'yo..." bulong niya.

Nakaramdam naman ako ng guilty.

Halatang takot na takot ito. First time ko na may makitang lalaki na umiiyak sa harapan ko.

"Nagbibiro lang ako..." sabay hawak ko sa mukha niya.

Kitang-kita ko ang mga luha niya. Namumula na din ang mga mata niya maging ang kanyang ilong.

"Shhh... Hindi na... Tahan na..." pagpapatahan ko.

Siniksik niya lang ang sarili niya sa'kin. Niyakap ko naman siya.

This feeling. Kakaiba pala ang pakiramdam kapag may taong takot na mawala ka sa kanya.

Si Yleo ang nagpabago ng pananaw ko sa  mga lalaki.

"Gaga! Usap-usapan ka dito sa buong university!" bungad agad sa'kin ni Eunice.

Napatingin ako sa paligid. Nakatingin sa akin ng masama ang iba at parang papatayin na ako sa tingin nila.

Wala naman akong ginagawang masama. Grabe mga makatingin na akala mo may inagaw ako.

"Anong meron sainyo ni sir?" daldal niya.

Hindi ako nakaimik. Sumimsim lang sa straw.

Ano nga bang meron sa'min? Hindi ko din alam. Hindi niya naman ako nililigawan. Basta nagtapat lang naman siya ng nararamdaman sa'kin.

"Mag-kuwento ka! Baklang 'to! Kaya naman pala tahimik kasi may kalandian na." napanguso ako ng maliit.

"Walang meron sa'min." sagot ko.

"Ulol! Kitang-kita nang lahat ang nangyari noong last friday! H'wag ka na ngang indenial!" sigaw niya.

Napatakip na lang ako sa tainga dahil sa ingay niya. May narinig na din akong bulungan.

"Low-key malandi pala."

"Akala mo kung sinong inosente."

"Mahinhin kumilos pero may taglay na kalandian."

"Hindi ba siya nahihiya na isang professor ang pinatulan niya?"

"Hindi sila bagay ni Yleo. Like, duh. Mayaman si Yleo. Hampas lupa lang siya."

Natigilan ako sa huling narinig at parang sampal sa'kin 'yun.

Sampal ng katotohanan na ngayon ko lang narealize.

Pero ano naman kung mayaman si Yleo at mahirap ako? Nasa estado ba ng buhay ang pagmamahal? Kung gano'n lang din naman ang mindset nila. H'wag nilang sabihin na alam nila kung ano ba ang love.

Mga college pero utak high school. Naiwan pa yata mga utak nila noong high school.

Tahimik lang naman talaga ako. Hindi ko pinapakita tunay na ugali ko kahit na gusto ko.... kahit na gusto kong makipagkaibigan pero h'wag na lang.

Kaibigan nga ang turing mo sa kanila pero hindi naman kaibigan ang turing sa'yo.

"Pag-inggit! Pikit!" pagpaparinig ni Eunice.

"Eunice." saway ko. Ngumuso lang siya.

"Bakit mo ba hinahayaan na sabihan ka nila ng ganyan? Sobrang bait mo para sabihan ka nila ng mga salitang nababagay sa kanila." sabay irap nito.

Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila. Basta kilala ko ang sarili ko at wala akong tinatapakang tao.

"Eunice, may itatanong ako." panimula ko.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon