Chapter 23

41.2K 497 12
                                    


Lahat ng sayang nararamdaman ko ay nabura. Maging ang ngiti ko ay nabura ng makita si Ma'am Lanica na kumakaway sa'min.

Napalingon ako kay Yleo. Nakatingin lang ito sa'kin na may pangamba sa mga mata.

Mukhang alam niyang hindi ko gusto ang presensya ni Ma'am Lanica kaya gano'n na lang ang pangamba niya.

Pero bakit siya mangangamba kung wala naman dapat ipangamba, di'ba?

Anong ginagawa niya dito? H'wag niyang sabihin na inimbita siya ng Mommy nila? I just sighed. Pinagsawalang bahala ko na lang ang mga naiisip ko. Gusto kong mag-enjoy sa bakasyon na ito.

"What are you doing here?" seryosong tanong ni Yleo.

She just smiled. "Inimbitahan ako ni Tita." lumingon ito sa'kin.

Ngumiti ako ng maliit. Ayoko naman maging walang galang.

"Kasama mo si Solana?" she asked.

"She's my girlfriend." her lips parted.

Mukhang gulat na gulat ito. Maging ako ay nagulat dahil hindi ko inaasahan na gano'n kabilis sasabihin ni Yleo ito sa kanya.

She cleared her throat. "I see. Congrats." she smiled.

Ngiting hindi totoo dahil halata ko. Iba ang ngiti niya kapag totoo at ang ngiti niyang may halong kaplastikan lang.

"Solana, tara swimming tayo!" aya ni Jennica.

Napatingin ako kay Yleo na namumungay ang mga matang nakatingin sa'kin. Hinila ako ni Jennica palayo sa kanya.

"Sa'kin muna ang bebe mo. Mag-enjoy kami."

I bit my lips. Mukhang hindi siya sang-ayon pero wala naman siyang nagawa kundi ang tumango na lang.

"Sinuot mo 'yung swinsuit na binigay ko?" tumango ako para mapangisi siya.

Tumingin ulit ako kay Yleo. May sinasabi sa kanya si Ma'am Lanica pero hindi niya pinapakinggan.

"Bantayan mong mabuti 'yang si Yleo. May ahas sa paligid." sabay tawa nito.

Magkahawak kamay kaming tumakbo papunta sa dagat. Mabilis lang siya makaclose dahil na din sa pagiging jolly nito. Hindi ko nga alam kung paano kami naging ganito agad kaclose. Binigyan niya lang naman ako ng swinsuit na suotin ko daw.

Nung una ay nagdadalawang isip pa akong suotin... but in the end, sinuot ko din.

"Hubad na, Solana!" sigaw nila.

Naliligo na sa dagat sina Yasser at Yannie. Si Jennica naman ay pumunta kay Yiem na nasa dagat. Ang dalawang lalaki ay parehas walang suot pang-itaas. Sina Jennica at Yannie naman ay parehas nakaswinsuit.

Namula muna ako bago tinanggal ang suot kong damit at short.

"Wow!"

"Ang sexy mo, Solana!" sigaw ni Yannie.

Nakaramdam ako ng hiya. Sumipol pa ang dalawang lalaki. Mabuti na lang at hindi nagseselos ang mga girlfriend nila. Matured.

"Ah!" hiyaw ko ng may bigla na lang bumuhat sa akin at dinala ako sa tubig.

"So hot, baby..." he whispered.

Natigilan ako at napating kay Yleo. Binaba niya ako sa tubig at agad na hinila ang baywang ko palapit sa kanya. Dumikit ang mga katawan namin para maramdaman ko ang kakaibang init.

Napatitig ako sa kanya. My boyfriend is so hot.

"Diyan muna kayo! H'wag gagawa ng milagro!" namula ako. Humalaklak naman si Yiem.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Where stories live. Discover now