Chapter 10

42.8K 547 65
                                    


"Baby, gusto kong marinig ang sagot mo..." saad niya.

"H-hindi ka pa ba nanliligaw?" tanong ko.

Akala ko ay panliligaw na 'yung ginagawa at pinapakita niya sa akin. Ilang buwan din ang nakalipas...tapos hindi pa pala panliligaw lahat ng effort niya sa'kin?

"Let me court you, officially..." he whispered.

I smiled at him. "Paano kapag ayaw ko?"

Hinawakan niya ang mukha ko. "Kahit ayaw mo... liligawan pa din kita at wala kang magagawa."

Mahina akong natawa. "Desisyon ka naman." napanguso ito.

"Liligawan kita, Solana. Simula ngayon ay liligawan kita." tumango ako.

"H-hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat, Yleo... pero mangako kang hindi mo'ko sasaktan huh..." kasi natatakot akong masaktan.

Hindi ko din alam ang gagawin kapag nasaktan ako ng sobra. Hindi ko alam kung paano ihandle ang sakit kapag naramdaman ko 'yun mula sa kanya.

"Hindi mangyayari 'yan. Hindi ko kayang magalit siya sa'kin..." bulong niya.

Napakunot ang noo ko. Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

Sinong siya ang tinutukoy na naman niya? Madalas niyang banggitin ang salitang siya... at curios ako kung sino 'yun.

"Kuya! Andito kami!"

"Fuck." mura niya.

Agad niya munang hinalikan ang leeg ko habang nasa likod ko siya. Naglalambing na naman e, hinayaan ko na lang.

Clingy masyado.

Umalis siya para buksan ang pinto. Nagpatuloy naman ako sa pagluluto ng kare-kare.

"Kaya naman pala hindi ka na umuuwi sa bahay! May inuuwian ka na pa lang iba!" rinig kong sigaw ng kung sino.

Parang pamilyar sa'kin ang boses... at parang narinig ko na ang boses na 'yun. Hindi ko lang matandaan kung saan.

"Shut up, Yiem!" boses ni Yleo.

May narinig akong tawa. Nakaramdam ako ng kaba dahil mukhang hindi lang kami ang andito ngayon sa bahay niya.

"Mom, Dad, anong ginagawa n'yo dito?" napalunok ako.

Andito ang mga magulang niya? Hala, anong gagawin ko?

"Sino ang inuuwian mo dito?" baritong boses ng isang lalaki.

Napapalunok ako habang inaayos ang pagkain sa lamesa. Nanginginig din ang mga kamay ko.

Naramdaman ko ang mga yabag na papunta dito kaya nag-ayos ako. Nakita ko na agad sila.

Agad akong nilapitan ni Yleo na nangunguna. Hinawakan niya ako sa baywang at hinalikan sa gilid ng ulo.

"Baby, calm down. Mababait ang pamilya ko." tumingin ako sa kanya.

"B-baka..." baka hindi nila ako matanggap kapag nalaman nila ang estado ng buhay ko.

"Oh my ghod!" napatingin ako sa Ginang.

Mukhang ito ang Mommy ni Yleo. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakaawang ang kanyang labi.

Parang may iba din sa tingin niya...parang gulat na gulat siya at hindi inaasahan na makita ako.

Sino ba naman hindi magugulat kung makita mong kasamang babae sa bahay ang anak mong lalaki?

"Good morning po..." bahagyang nanginig ang boses ko.

"Siya na ba 'yan?" sabay tingin nito kay Yleo na naramdaman kong tumango.

"Hi, nice to meet you again!" bati nung isang lalaki.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Where stories live. Discover now