Chapter 39

36.4K 448 67
                                    


Napatingin ako sa orasan. Pinaglalaruan ko din ang mga daliri ko. Alas nuebe na pero wala pa si Yleo. Ilang linggo na siyang umuuwi ng dis oras na ng gabi. Nag-aalala lang ako sa kanya kaya hindi ako madalas mapakali.

Akala ko ay nung umuwi siya ng alas dyes ay dahil madami lang ang trabaho... pero kasi parang hindi na normal. Iba na 'yung pakiramdam ko, e.

Uuwi siyang pagod na pagod. Kita ko 'yun. Hinahalikan niya lang sa noo ang anak namin tapos sa'kin ay wala man lang. Hindi ko na din siya nakakasabay sa pagkain sa umaga, sa tanghali lalo na sa gabi.

Naramdaman kong parang naging cold siya bigla sa'kin. Inaalala ko naman kung may nagawa akong mali sa kanya, kapag maglalambing ako ay hindi niya papansinin.

Lagi niyang sinasabi na pagod s'ya at gusto niyang matulog. Hindi na lang ako nangulit. Pinapakiramdaman ko siya. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya.

Iba talaga 'yung pakiramdam ko... gusto kong makumpirma... pero halos takassn ako ng dugo ng tama ang hinala ko.

"Bakit..." tanging nasabi ko.

Hawak ko ang polo niya. May bakas ng lipstick ito kuwelyo. Nando'n pa ang lipstick. Alam kong babae ang humalik dito.

Napapikit ako. Humigpit ang hawak sa polo niya. Halos gusutin ko na ito. Ng lumabas ako ng banyo ay tumingin ako sa kanya sa kama na mahimbing na natutulog.

Pinigilan ko ang sarili ko na h'wag umiyak. Nilapitan ko na lang si Fairah at kinuha ito dahil nagsimula siyang umiyak. Pinadede ko siya at inalo habang bumubuhos ang mga luha ko.

Ansakit... ansakit isipin na tama ang hinala ko.

Hindi trabaho kaya siya pagod... dahil babae ang dahilan. Pinapagod niya siguro ang sarili niya sa babaeng 'yun kung sino man.

"Hindi ka nagluto?" kunot noong tanong niya.

Tiningnan ko lang siya bago ibalik ang tingin kay Fairah na mahimbing ang tulog habang nasa bibig niya 'yun.

Sinadya ko talagang hindi magluto. Hindi ko hinanda ang susuotin niya gaya ng ginagawa ko palagi. Gusto kong maramdaman niya ang nararamdaman ko kung paano maging cold ang treatment niya.

Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagbago... Paniguradong may babae siya

Si Ma'am Lanica ba?

"Bakit hindi ka nagluto?" tanong niya pa.

"Kumain ka na lang sa labas..." kung saan ka umuuwi talaga.

Akala ko ay kami lang ang inuuwian niya, mukhang may ibang babae pang inuuwian. May ebidensya na kaya hindi ko na kailangang magpakatanga pa.

Imposible naman na hindi niya nagustuhan 'yun dahil hindi lang sa kuwelyo niya may bakas ng lipstick. Maging sa manggas nito at sa ibang bahagi ng polo.

Tinitigan niya ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Kinagat ko ang labi ko para h'wag tumulo ang mga luha. Nagbaba na lang ako ng tingin kay Fairah. Ngumiti ako at nilaro ang mga daliri niya.

Kahit na nasasaktan ang puso ko.

Paano niya nagawang mambabae pa? May anak na kami, hindi pa ba siya kuntento sa amin ng anak niya? Hindi pa siya kuntento sa akin? Dahil ba hindi ko siya pinapayagan sa gabi kaya sa iba niya ginawa?

Gusto kong magmura sa galit. Andami kong naiisip na mga dahilan niya.

"Are we okay?" he asked.

Nilingon ko siya, dapat ako ang magtanong sa kanya no'n.

"Okay naman tayo ah, bakit?" umiling ito.

Hindi na siya nagsalita pa. Lumapit siya sa amin ni Fairah. Hinalikan niya ito sa noo, ng akmang hahalikan niya ako sa noo ay umiwas ako para kumunot ang kanyang noo.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Where stories live. Discover now