Chapter 9

46.2K 586 48
                                    


"Hoy, Elya! Ano itong nabalitaan namin na may lalaki ka daw?" bungad ni Jude.

Saan naman nila nabalitaan 'yun? Pagdating sa mga ganoon ay ang bibilis nila.

"Tinatanong kita! Sino 'yung lalaki?! Anlandi mo!" coming from her.

Napapikit ako at humarap sa kanya. Ayaw kong mainis dahil baka mailabas ko ang tunay kong ugali sa kanya.

"Ano naman kung may lalaki ako, Jude? Hindi naman kita pinakialamanan sa pagjo-jowa mo kaya h'wag mo akong pakialamanan."

Tumalim ang tingin niya sa'kin. Nilabanan ko iyon.

Ano bang pakialam niya kung may lalaki ako? Hindi ko naman siya pinakialamanan.

"Sumasagot ka na ngayon ah. Ano nang pinagmamalaki mo? 'Yang lalaki mong mahirap?" palihim akong napairap.

Kung alam mo lang kung gaano kayaman si Yleo ay baka malula ka at makaramdam ng inggit. Hindi ko na lang pinansin at akmang lalampasan siya ng hawakan niya ako sa braso at walang ingat na tinulak para mapasandal ako sa pader.

Ramdam ko din ang sakit do'n.

"Ano na naman bang problema mo, Jude? Hindi naman kita inaano diyan!" hindi ko naiwasan na mapasigaw.

"Ang problema ko! Bago ka sana lumandi. Siguraduhin mong kaya mo na ang sarili mo at hindi aasa sa'min!" sigaw niya.

Mahina akong natawa sa sinabi niya. Halos ako nga ang tumutustos sa sarili ko. Hindi nga ako humingi sa kanila ng kahit piso.

"Ako pa talaga ngayon, Jude?" natigilan siya.

Mukhang hindi niya inasahan na sasagot ako sa kanya ng gano'n.

"Wala akong hiningi sainyo kahit na magkano kaya bakit ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng ganyan?" sabay tawa ko ng mahina.

Kahit patulan ko ito ay talo pa din naman ako... pero mabuti na ang minsan magsalita kapag sobra na at masyado ng tinatapakan ang pagkatao mo.

"Sumasagot-"

"Kasi sobra ka na. E, ikaw nga puro gastos ka sa boyfriend mo tapos 'yung perang ginagastos mo sa boyfriend ay sa'kin galing di'ba?" sinampal niya ako bigla.

Mahina naman siya. Sampal lang ang kaya niyang gawin kapag talo siya sa mga salitang bibitawan ko na tagos sa kanya.

"Mas makapal ang mukha mo! Isusumbong kita kay Mama!" sigaw niya.

Sumbungera.

"Hanapin mo pake ko. Diyan ka naman magaling. Magsumbong kasi talo ka." padabog siyang umalis.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Inayos ko din ang buhok ko habang nakatingin sa paaplayong si Jude na halatang inis na insi.

Ang kapal din niyang magsalita ng kung ano-ano sa'kin... kung tutuusin mas may maipagmamalaki nga ako sa kanya.

Napaiyak ako ng makita ang letter ni Mama sa'kin nung iniwan niya ako sa tapat ng bahay ni tiya.

"Hi, baby Solana. Tandaan mong mahal na mahal ka ni Mama kahit na anong mangyari. H'wag mong isipin na pinabayaan kita huh? Kailangan lang talaga ni Mama na gawin 'yan dahil hindi kaya ni Mama na buhayin ka. Mahal na mahal kita. 'Yan ang tatandaan mo."

Patuloy ang pagbabasa ko. Ilang beses ko na itong nabasa pero sobrang sakit pa din sa dibdib. Kahit sinabi niyang mahal niya ako... hindi ko maiwasan na magtampo... kasi bakit wala siya sa dito ko ngayon kung mahal niya ako?

Nakasulat ang buong pangalan ko sa likod ng picture kung saan buhat ako ng isang babae... at alam kung si Mama 'yun kahit na hindi makita ang mukha niya.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin