Chapter 25

37.2K 420 35
                                    


"What? Wala pang nangyayari sainyo?" gulat nitong tanong.

Namula ako at biglang nahiya.

"H-hindi pa kami nakakaabot do'n..."

Ngumisi siya. "Hindi ka naman siguro inosente, Yannie?"

Lumingon ito kay Yannie na namumula din ang mukha. Masyadong wild ang pinagu-usapan namin. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa usapan na ganito.

"H'wag kang papayag na si Yleo lang palagi ang magpapaligaya sa'yo. Dapat ikaw din..." she smirked at me.

Mukhang marami itong karanasan kay Yiem dahil sa mga sinasabi niya. Hindi man lang siya nahihiya at kung magsalita ay prangka.

"Sige ka! Kapag 'yan tumikim ng ibang babae. Kawawa ka." mas lalo itong ngumisi. Tila nang-aasar.

Hindi pa naman kami humahantong sa gano'n kahit na gusto ko... Masyadong magaling magpigil si Yleo, isa pa ay hindi gaanong katagal kaming magkasintahan para tuluyan kong ibigay ang sarili ko.

Gusto ko din na oras na ibigay ko ng tuluyan ang sarili ko sa kanya ay kasal na kami.

"G-gusto kasi namin pareho na kasal muna..." humalakhak ito.

Mas naramdaman ko ang hiya lalo.

"Hindi na uso ang mauuna ang kasal kaysa honeymoon."

Kung sa henerasyon ngayon ay tama siya. Hindi na uso ang kasal muna bago ang pagtatalik. Mas inuuna na nila ang ngayon ang pagtatalik kaysa ang ikasal at humarap sa altar.

"Pero ikaw bahala, Solana. Nagsasabi lang naman ako. Basta kapag handa ka ng ibigay ang sarili mo sa kanya..." nilapit niya ang mukha niya sa tainga ko. "Galingan mo. Akitin mo si Yleo para hindi na makapagpigil. Ganyan ang mga Sollano, kailangang akitin."

Nakaramdam ako ng kilabot ng padaanin niya ang mga daliri niya sa leeg ko. Mas lumawak ang kanyang ngisi.

Napaisip ako bigla sa sinabi niya.

"H-hindi naman ako mabubuntis agad 'no?" humalaklak na naman ito.

Napasapo siya sa noo. "Sabihan mo lang na gumamit ng condom, pero mas masarap kasi kapag walang condom. Magpills ka na lang."

She tapped my shoulder before left us. Umiiling siya habang naglalakad papunta kay Yiem. Sinundan ko pa siya ng tingin na sana hindi ko na lang ginawa dahil nakita ko kung paano siya mariin na halikan ni Yiem at ipasok ang kamay sa loob ng suot nito.

Wild nga talaga ang mga Sollano.

"Nakakahiya talaga si Ate Jennica. Prangka masyado," saad ni Yannie.

Napalingon ako sa kanya. Nakatingin lang siya kina Jennica at Yiem na patuloy sa paghahalikan at wala man lang pakialam kung may makakakita sa kanila.

Napailing ito at lumingon sa'kin. "But Ate Jennica is right, kailangan mong akitin si Yleo para hindi makapagpigil." sabay ngisi nito.

Napalunok ako. Hindi ko akalain na maging siya ay kaparehas ng pag-iisip ni Jennica. Kung titingnan mo kasi siya ay mukha siyang inosente at nahihiya kapag usapang wild.

Tulala ako ng makapasok sa kuwarto namin ni Yleo. Iniisip ang mga sinabi ni Jennica. Lahat ng mga sinabi niya ay tumatak sa isipan ko.

Ngayon ko lang napansin na kapag hinahaplos ko siya sa dibdib, sa leeg at sa panga niya ay lumalalim ang paghinga niya at bigla na lang siyang titigil sa paghalik sa'kin. Yayakapin niya na lang ako.

Magaling nga talagang magpigil si Yleo... at masasabi kong naaakit siya sa mga haplos ko.

Bakit ngayon ko lang napansin 'yun? Masyado akong occupied sa mga haplos at halik niya.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Where stories live. Discover now