Chapter 31

34.1K 400 94
                                    


"Baby... please open the door. Let me explain, baby... Please, talk to me..." pagmamakaawa niya.

Patuloy lang ang pag-agos ng luha ko. Pinunasan ko 'yun bago siya harapin. Nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata. Akmang yayakapin niya ako ng lumayo ako.

"Ano pang ginagawa mo dito, Yleo? Tapos na tayo." his lips parted.

"No... no baby..."

"Manloloko ka. Sinungaling!" dinuro ko siya.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Bakit siya masasaktan kung siya naman ang may kasalanan.

"Baby, let me explain first... Don't do this to me..."

"Umalis ka na lang, Yleo. Tapos na tayo. Tinatapos ko na ang meron tayo."

"Baby..." nilayo ko ang kamay ko ng hahawakan niya 'yun.

My eyes got watered. "B-bakit mo nagawang saktan ako? M-minahal kita ng totoo..."

"I love you so much, bab-"

"Sinungaling! Hindi mo ako mahal! Pinaglaruan mo lang ako! Kung hindi ako dumating ay sigurado akong naghahalikan na sana kayo."

Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. "H-hindi kita kayang lokohin, baby... Believe me..."

Matigas ko siyang tiningnan. Masyado akong nasaktan at emosyonal ang pagbubuntis ko. Ayaw kong may mangyaring masama sa'kin dahil madadamay ang baby ko.

"Ayoko ng pakinggan ang mga kasinungalinan mo. Sapat na sa'kin ang nakita ko. Sapat na sa'kin at alam ko na ang tunay mong pakay sa'kin..." nanghihinang ani ko.

Girlfriend niya si Ma'am Lanica. Nalaman ko mismo 'yun kay Ma'am Lanica. May mga picture silang dalawa na nakayakap sa kanya si Yleo at meron din namang nakahalik si Ma'am Lanica sa pisnge niya. Mas do'n ko nalaman na niloloko niya lang ako.

Lahat ng mga picture na nakita ko ay sapat na sapat sa'kin para hindi niya malaman ang pagbubuntis ko. Masyado akong nasaktan. Idagdag pa ang nalaman ko sa girlfriend niya.

"Nakakasama ka na sa'kin,"

Tumingin siya sa'kin na nasasaktan.

"Nakalimutan ko ng mahalin ang sarili ko dahil inubos ko 'yun lahat sa'yo. Andali kong ibigay ang sarili ko sa'yo dahil nakalimutan ko ang sarili ko..."

"Baby..." nanghihinang tawag niya.

"Nagsisisi akong minahal kita..." pagsisinungaling ko na kahit ang totoo ay sobrang nagpapasalamat ako.

Lumandas ang mga luha niya. Dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko na ikinaawang ng labi ko.

Yumakap siya sa baywang ko at sinubsob ang mukha sa tiyan ko.

"Don't do this, baby... H-hindi ko kaya kung wala ka s-"

Itinulak ko siya. Hindi siya nagpatinag dahil mas yumakap siya sa baywang ko.

"Hindi kita niloko, baby. Hindi ako nagsisinungaling sa'yo. Ikaw lang an-"

"Shut up, Yleo! Pakawalan mo na lang ako! Parang awa mo na!" sigaw ko.

Pinilit ko talagang tanggalin ang mga braso niya dahil baka kung anong mangyari sa baby ko, namin.

"Baby... H'wag naman ganito. Hindi kita niloko. Maniwala ka naman baby oh..." ramdam ko ang sakit sa boses niya. Kita ko din sa mga mata niya.

Nasaktan ako ng makita ang mukha niyang nababalutan ng mga luha niya... pero ayaw kong magpalokong ulit sa kanya.

Ayaw ko na sa mga kasinungalingan niya.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz