Chapter 17

35.9K 453 20
                                    


Naging busy kami pareho sa mga sumunod na linggo dahil may inaasikaso siya sa kompanya nila. Ako naman ay inaasikaso ko ang mga output na kailangan kong ipasa dahil magsu-summer na.

3rd year college na'ko sa pasukan. Malapit na akong matapos sa kolehiyo. Malapit na akong makapagtapos.

Pangarap ko talagang makapagtapos ng pag-aaral at patunayan na kahit wala ang mga magulang mo na mag-aasikaso sa'yo ay kayang-kaya mong makapagtapos. Na kayang-kaya mong matupad ang mga pangarap mo.

Hindi madali sa'kin na pumasok sa araw-araw lalo na nung bata pa ako dahil nabully din talaga ako no'n. Lagi nila akong inaasar na wala akong mga magulang. Na hindi ako mahal ng mga magulang ko.

Naiinggit ako tuwing family day kasi walang pumupunta sa'kin. Si tiya naman ay kay Jude pumupunta. Kaya kapag family day ay nanonood na lang ako.

Namulat ako. Nagka-isip. Nagbirthday. Nakagraduate ng Elementary, High School at Señior High ng wala sila. Nakayanan ko lahat ng wala sila.

Lumaki akong walang Nanay at Tatay pero nakayanan ko. Naging mabuti akong bata... pero hindi pa din talaga maiiwasan na makaramdam ng inggit.

Hanggang ngayon ay tinatanong ko ang sarili ko kung anong purpose at bakit kailangan pa akong mabuhay dito sa mundo.

Bakit kailangan ko pang makita ang mundong ito kung hindi naman pala ako buo?

Nakakatawa lang... na kahit anong bait mo kung ayaw talaga nila sa'yo. Ayaw talaga nila.

Sasaktan at sasaktan ka pa din talaga nila kahit wala ka naman pinapakitang masama.

Kagaya na lang ng mga pinsan ko lalo na si Jude at si tiya... pero hindi ako puwedeng magreklamo at magsalita dahil doble ang sumbat na sasabihin nila.

Lahat ng gusto kong sabihin ay kailangan ko na lang kimkimin at itago dahil hindi naman nila maiintindihan.

Sarado mga isip nila e.

Ang gusto ko lang naman ay mahalin nila ako. Mahalin nila ako bilang kapamilya nila.

Pagmamahal lang naman ang hinahanap at gusto kong madama e, pero bakit sa ibang tao ko pa nakukuha?

Si Yleo ang nagbigay ng pagmamahal na gusto ko. Siya ang nagparamdam ng pagmamahal sa'kin.

At hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling maging siya ay sasaktan ako.

"Lapit na birthday mo, ante. Anong balak mo?"

I just shrugged my shoulder. Wala naman nangyayari tuwing birthday ko kaya bakit pa ako magpa-plano?

Nasanay na akong hindi icelebrate ang birthday ko. Nasanay na akong dadaan lang ang araw ng birthday ko tapos wala na... kasi para saan pa

Para saan pa para magcelebrate ako kung ako lang din naman mag-isa?

"Wala kang plano?" tanong niya na naman.

"Wala akong plano, Eunice. Hindi ko cinecelebrate ang birthday ko..." napatitig siya sa'kin kaya naglakad na ako.

Malayo pa lang ay may naririnig na akong tilian. Mga kinikilig. Napahinto ako at sumiksik sa kumpol na mga studyante para makita kung sino ang kanilang tinitilian.

Napatigil ako ng makita kung sino ang dalawang taong tinitilian nila.

Hawak ni Yleo sa baywang si Ma'am Lanica at nagtatawanan sila. Masaya siya... sayang kailan man ay hindi ko nakita kapag kasama niya ako.

Iba 'yung ngiti niya. Iba 'yung saya niya at iba 'yung tawa niya.

Nakaramdam ako ng kirot. Hindi ko alam kung bakit siya nakahawak sa baywang ni Ma'am Lanica.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ