Chapter 35

36.9K 458 17
                                    


Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang kalagayan sa loob. Halos kapusin ako ng hininga at matakot ng sobra.

Hawak ni tiya si Fairah habang may kutsilyo siyang hawak at nakatutok ito dito.

"Tiya!" sigaw ko at agad na tumakbo papunta do'n.

Kinuha ko si Fairah sa kanya na malakas na umiiyak. Dahil siguro sa takot... naramdaman niya siguro na parang may kakaiba.

Grabe ang kaba at takot ko. Halos mawalan ako ng dugo sa katawan.

"Balak n'yo po bang patayin ang anak ko? Tao pa po ba kayo, Tiya?! Baby po 'yung tinutukan n'yo ng kutsilyo!" hindi ko napigilan na sumigaw.

Namumula ang mga mata nito at galit na tumingin sa'kin.

"Papatayin ko 'yang anak mo, Elya! Papatayin ko 'yan kapag hindi mo ako sinunod!" sigaw niya.

Napaiyak ako. Inalo ko si Fairah na sobrang lakas ang pag-iyak. Alam kong nararamdaman niya ang nangyayari.

"Shhhh... tahan na anak ko. Andito na si Mama. Andito na si Mama... Tahan na anak ko, tahan na. Walang mananakit sa'yo..." pag-aalo ko.

Muntik na 'yun. Muntikan na talaga. Kung hindi ako dumating ay baka may nangyari ng hindi maganda sa kanya. Matagal ng sinasabi sa'kin ni tiya na papatayin niya ang anak ko. Akala ko ay nagbibiro lang siya pero kaya niya pa lang gawin.

"Iwan mo 'yan, Elya! Iwan mo 'yang anak mo! Sundin mo ang pinag-usapan nating dalawa! Kapag hindi ka sumunod ay talagang papatayin ko ang anak mo!"

Nakaramdam ako ng takot kaya napalayo ako ng lumapit siya. Magulo ang isip ko. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Takot ang nararamdaman para sa anak ko.

Parang kayang-kaya nga ni tiya na gawin. Isa siyang Ina pero bakit kaya niyang gawin ito? Bakit?

"Tiya... gagawin ko na po. H'wag na po kayo lumapit..." takot na saad ko.

Ngumisi ito. Ngising nakakatakot. Tumingin siya sa anak ko para maitago ko ito.

"Umalis ka na at iwan mo na siya doon, Elya. Iwan mo na siya..." hindi ko na siya kilala.

Para siyang hindi na si tiya. Para siyang nababaliw.

Hindi ko na alam... Takot ang nararamdaman ko at baka totohanin niya. Namalayan ko na lang ang sarili ko na inilalapag siya sa gilid ng kalsada.

Iilan lang ang dumadaan na sasakyan. Nanginginig ang mga kamay ko maging ang buong katawan ko.

Napahikbi ako. Pinunasan ko din ang mga luha ko bago dahan-dahan na tumayo.

Patawarin mo sana ako, Lord. Patawad po. Hindi ko na po alam ang ginagawa ko. Matinding takot na po ang nararamdaman ko.

Matinding takot para sa anak ko.

Mas mabuti na din siguro ito... baka totohanin talaga ni tiya ang sinabi niya lalo na at napansin kong parang may kakaiba sa kanya.

"I'm sorry, God... Forgive mo for this. Hindi ko na po alam ang ginagawa ko. Patawarin mo po ako..." nanghihinang ani ko.

Tumayo ako at nanghihinang naglakad papalayo sa kanya. Hawak ang dibdib dahil sa sobrang sakit ang panghihina.

Nanikip ang dibdib ko habang nakatanaw sa kaniya sa malayo. Ang mga luha ay patuloy na naglalandas.

"I'm sorry, baby..." I whispered.

Dahan-dahan akong tumalikod at dahan-dahan na naglakad palayo. Masakit at nanikip ang dibdib.

I need this. Kailangan kong gawin ito para sa sarili ko at para din sa kanya.

Alam ko sa sarili kong hindi ko pa siya kayang buhayin. Hindi ko alam kung paano siya bubuhayin at aalagaan. Hindi ko alam kung paano.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu