Chapter 24

40.3K 497 43
                                    


Bihis na ako pag-gising ko. Mukhang binihisan niya ako. May nalalanghap akong kung ano kaya bumaba na ako. Namula pa ako ng maalala ang nangyari sa'min kagabi sa gilid ng hagdan sa may painting.

Nakatalikod siya sa'kin at kita ko ang likod niya. Nakaapron siya at nakashort. Napatingin ako sa suot kong bestida. Hindi ko alam kung kanino ito.

"Good morning..." bati ko.

Agad siyang napalingon sa'kin. Binaba niya ang platong hawak niya para puntahan ako at halikan sa noo.

"Nakakagigil." natawa ako. Niyakap ko lang siya saglit.

Masaya kaming dalawa na kumain. After that ay bumalik na kami.

"Saan kayo nang-galing?" Yleo just smirked. Namula naman ako.

"Diyan lang." nakangisi pa din ito.

Tumingin sa'kin si Jennica. May ngisi sa labi. Mukhang may ideya siya sa nangyari sa'min.

"Good morning, Yleo." akmang hahalik ito sa pisnge ni Yleo ng lumayo ito.

Ngumiti lang ako kay Yleo ng makita ang pangamba sa mga mata niya. Napapaisip tuloy ako kung totoo bang may nararamdaman si Yleo sa kanya o siya na lang ang naghahabol?

Nakalimutan kong itanong sa kanya kung ano ba talaga sila ni Ma'am Lanica.

"Respeto naman sa girlfriend..." pagpaparinig ni Jennica.

Tumingin sa'kin si Ma'am Lanica. "I'm sorry, Solana. Nasanay lang kasi ako, you know.... Nakasanayan." then she chuckled.

Anong gusto niyang palabasin kung gano'n? Na may nakaraan talaga sila ni Yleo at siya ang nauna dito?

"Bitch." tiningnan ko siya. Hinawakan din siya agad ni Yiem sa braso.

"Tara, kain na tayo sa loob. Tinatawag na din kayo nina Tita at Tito." she smiled at me.

Nauna itong pumasok sa loob. Napatingin naman ako kay Yleo.

"Baby..."

Mahina ko siyang tinulak at nilagpasan. Naramdaman ko naman na tumabi si Jennica sa'kin na sinundan ako.

"Ingat ingat ka sa babaeng 'yun, Solana. H'wag kang masyadong maging mabait." I nodded.

Nasanay kasi akong hindi lumalaban kahit na sobra na. Gustuhin ko mang lumaban ay may pumipigil sa akin.

"I got you girl don't worry. Basta patulan mo kapag ginalaw ka niya." then she smirked.

Nagtawanan kaming dalawa habang papasok sa loob. Gusto kong itanong sa kanya kung may alam siya sa kung ano man ang nakaraan nung dalawa pero hindi naman maganda kung sa kanya ako magtatanong.

Siguro ay kakausapin ko na ng maayos si Yleo mamaya.

"Good morning po..." sabay naming bati. Natawa pa pareho.

Napatingin sa'min si Ma'am Lanica. Ang kaninang mataray nitong aura ay biglang nagbago. She smiled to us pero tipid ngiti lang ang iginanti ko.

"Ang gaganda naman ng mga anak ko." she giggled.

"Thank you po, Tita," si Ma'am Lanica.

Nakita ko ang pag-irap ni Jennica. Natawa ako ng mahina. Mukhang mataray ito kung hindi ako nagkakamali sa observation ko.

"I'm glad at sinagot mo na ang anak kong si Yleo. Na'ko, matagal nang baliw na baliw sa'yo ang anak kong 'yun." ngumiti ako.

"Kaya nga binantayan ng mabuti ng anak natin para hindi daw maagaw." tumawa naman ang Daddy nila.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora