Tumango naman ang babae. Tumayo ako at kinarga ang baby. Batang lalaki, siguro nasa isang taon pa lamang ito.

"Matmat ang pangalan nya. Pero ang tunay nyang pangalan ay Matthew. Iniwan sya sa tapat ng simbahan nung apat na buwan pa lamang sya." Sabi ni Ate. Iniwan nya saamin ang baby at nagtungo sa bandang may pag kain.

"Hi, Matmat."

"Ang cute cute nya naman. " Saad ni Angge at nilaro laro ang kamay ng baby.

"Let's take you both a picture." Ani ni Yuan. Kinuha nya ang cellphone mula sa bulsa nya at kinuhanan kami ng picture dalawa ng baby.

Binalingan ko ng tingin si Sir Calren na tahimik na nakahalukipkip sa tabi habang nililibot ang tingin sa paligid.

"Gusto mo syang kargahin?" Alok ko sakanya.

Hindi sya nag salita pero inalok nya ang dalawang braso. Binigay ko sakanya ang baby.

"How do I hold him?" Tanong nya.

Kinuha ko ang isang kamay nya at inilagay iyon sa likod ng baby para mahawakan nya ng mabuti. "Ganyan."

Malaki naman ang ngisi ni Angge habang tinitignan kaming dalawa at ng baby kaya nabasag ang ngiti ko.

"Okay mga kids! Sino ang gustong maglaro?" Sabi ng lalaking staffs sa microphone. Tuwang tuwa naman ang mga bata na nagtaas ng kamay.

"Sali tayo?" Sabi ni Yuan saakin.

Bago ako sumagot at lumingon muna ako kay Sir Calren na tuwang tuwa sa pagkakarga ng baby. Binalik ko ang tingin kay Yuan at nakangiting tumango tango.

"Ayownn! Sasali daw si Ma'am at Sir!" Sabi ng staff. "Ano pong pangalan nyo Ma'am?"

Nagsalita ako sa mic. Kumaway ako sa mga bata. "Ako si Ate Taffy."

"And ako naman si Kuya Yuan." Sunod na pakilala Yuan pagtapos ko.

Pumalakpak ang mga bata ng magsimula na ang tugtog. "Alam nyo naman siguro laruin ang paper dance hindi ba?"

Nagpatuloy sa pag explain ng mechanics ng laro ang staff habang nakatingin lang ako kay Sir Calren. Nakay Angge na ang baby. Natalim ang mga tingin nya saakin at mukhang hindi natutuwa na kasama ako ni Yuan.

"Okay! Simulan na natin!"

Nagsimula nang lumakas ang tugtog hudyat na magsisimula na ang laro.

Tawang tawa ako sa tuwing hihinto ang tugtog dahil natataranta akong napapatungtong sa papel.

"It's getting smaller." Ani ni Yuan.

Paliit na ng paliit ang papel na tatapakan naming dalawa. Nang huminto ulit ang tugtog ay hinapit na ako ni Yuan papalapit sakanya.

"Okay! Safe sina Maam!" Deklara ng staff na MC.

Napatalon ako sa tuwa dahil pasok pa kami sa isang round. Tinupi pa sa kalahati ang papel kaya't mas lalo itong lumiit. Nagsimula ulit ang tugtog at pumalibot kami dito. Nang huminto ang tugtog ay nataranta ako at napayakap kay Yuan. Tumawa naman sya nang dambahin ko sya ng yakap. At dahil hindi sya nakapaghanda ay nalaglag kaming dalawa.

"Hala sorry!"

Nasa ibabaw ako ni Yuan habang sya naman ay napapikit at nakangiti. Rinig ko ang kantyaw ng mga bata saamin.

"Masyado yatang na excite si Maam." Sabi pa ng MC.

Umalis ako sa pagkakadagan kay Yuan at nag pagpag ng damit. Sunod naman na bumangon si Yuan mula sa sahig at nagpagpag na din.

"I thought a rock hit me." Natatawang saad ni Yuan.

Nakatayo na ngayon si Sir Calren, nakalukipkip at seryoso ang tingin saamin ni Yuan. Iniwas ko ang tingin sakanya at naglakad pabalik ng lamesa.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin