Chapter 25

0 0 0
                                    

Ilang araw na simula ng mangyari iyon, si mica naman ay hindi pa pumapasok while sandro always with sofia. Hindi ko alam kung magagalit ba ako kay sandro o ano e.

My best friend is hurt while him is enjoying with sofia, at mas nakakainis pa roon ay si Sofia. Nag bago sya bigla, dati tahimik at mahinhin sya now she's different. Nag mumukha syang linta dahil sa ginagawa nya.

Nasa loob ako ng room ngayon and speaking of the snake, sabay na pumasok sina Sandro at sofia. Naka yapos si sofia sa braso ni Sandro, dumaan silang dalawa sa harap ko at hindi naman maka tingin ng maayos saakin si Sandro.

Dapat lang! How dare him!

Pumasok narin ang professor namin kaya natahimik ang buong silid, habang nasa ginta ng discussion ang prof namin ay may biglang pumasok. Mica! Sigaw agad ng utak ko.

"I'm sorry Prof."

"It's okay, seat down." Tumango si mica bago nag lakad patungo sa direction ko.

"Mica." Mahinang wika ko.

Ngumiti lamang ito bago tumingin sa harap.

Ngayon ko lang napansin na nag pagupit si mica, broken talaga sya hayst. Humarap nalang ako sa harap at nakinig nalang ng discussion si prof. Lumipas ang mahigit dalawang oras ay break time na.

"Mica..." Hindi pa man ako nakaka tayo ay lumapit agad si sandro kay mica.

"Babe!"

Tumaas ang kilay ko dahil sa pag tawag ni sofia kay sandro. Babe? Cheap!

"Please sofia, I need to talk with mica. Kaya pwede bang lubayan mo muna ako kahit saglit lang?!"

Kita ko ang inis sa mukha ni sofia bago ito umalis. That right, go away. Tinignan naman ako ni sandro na para bang sinasabi na kung pwede ay umalis rin ako pero tinaasan kulang ito ng kilay.

Pero naisip ko rin na mas mabuting makapag usap sila ng maayos kaya naman naisipan ko nalang na umalis at hintayin nalang si mica sa labas para naman magkaroon sila ng privacy.

"Welcome."

Nandito parin pala itong babae na ito. At mukhang wala syang balak na alisin ang tingin kay sandro.

"What?"

"Pwedeng paki sabi dyan sa kaibigan mo na layuan nya na si sandro? Look I'm being nice here, sya lang kasi itong masasaktan kung mag hahabol sya kay sandro." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi n'ya.

"Bakit hindi ikaw ang mag sabi kay mica?" Gulat naman ito dahil sa sinabi ko. "At isa pa hindi deadline si sandro para habulin sya ni mica."

"What?" Nanggigil na saad nya. "Sandro is mine, oras na makita kung lumapit pa si mica sa boyfriend ko humanda sya saakin!!"

"Alam mo, your pathetic! Sarili mung suka nilunok mo ulit." Natatawang sabi ko. "At hindi naman tanga ang kaibigan ko para mag habol sa ex nya, she's not like you! e ikaw? Dika na nga mahal pinipilit mopa sa sarili mo na ikaw ang mahal nya kahit hindi naman!"

Omygod! I'm being bad girl na.

Para namang naiiyak na si sofia sa harap ko, masyado ba akong harsh mag salita? Buti nga sakanya. Hindi kuna ito pinansin, lumabas si mica kaya agad ko itong nilapitan.

"Canteen tayo?" Agad na tanong ko.

Tumango naman sya. Sabay kaming nag lakad patungo sa canteen pero napa hinto ako ng maramdaman ko na biglang nag vibrate ang phone kaya agad ko itong kinuha.

Lahad is calling...

Humarap ako kay mica bago ipakita ang phone ko sakanya kaya agad naman nitong naintindihan ang ibig kung sabihin.

Personage AmoreWhere stories live. Discover now