Chapter 6

8 1 0
                                    

Dumaan ang araw ng sabado, linggo at ang araw ng lunes. I'm nervous as hell, there's a lot of what if in my head.

"Welcome, anak." Napa tingin ako kay mom ng mag salita ito. "It's okey, alam kong kaya mo iyan. Patunayan mo sa dad mo na kaya mong manalo." Naka ngiting sabi nito saakin kaya hindi ko rin maiwasang hindi mapa ngiti.

My dad didn't talk to me after that day, he always left when I'm near with him and its hurt me. Alam kong hindi n'ya gusto ang ginawa ko pero matagal ko ng pangarap ang mapabilang sa ganitong okasyon.

"Naniniwala ako anak." Hindi ko maiwasang mapa yakap sa kanya niyakap naman ako nito pabalik.

"Salamat po." Mahinang bulong ko.

"Ayos lang kabahan anak, pero wala namang mawawala kong kakabahan ka. Kahit anong mangyari nandito lang ako sa tabi mo anak." Tumango ako dahil sa sinabi n'ya.

Humiwalay ito saakin at nag paalam na may aasikasohin sa ibaba ako naman ay humiga sa kama ko. I grab my phone in study table. Binuksan ko ang aking social media. Nakita ko na may nag message saakin kaya binuksan ko.

Nakita ko naman ang pangalan ni mica, agad ko namang binasa ang sinabi n'ya.

Mica: welcome!!

Mica: Open kana pleaseee!

Mica: I need motivation, kinakabahan Ako!😭

Nang mabasa ko ang chat nito saakin ay nag reply ako. Nakita ko naman na may green sa gilid ng profile nito kaya alam kong naka online pa s'ya.

SW: Same here!
                      Seen.

Mica: Wag mo akong lokohin, hindi tinatablan ng kaba ang kaibigan ko.

Napa tawa naman ako dahil sa sinabi nito. Well that true pero iba naman ngayon, bukod sa maraming manood ay nandoon din si lahad and that makes me nervous.

SW: Heh! Kay Sandro ka humingi ng motivation total mukhang mas gusto mo na sya!
                                                           Seen.

Hinaha nito ang message ko at hindi na nag reply. Aba! Ako pa ang last chat ah. Mukhang nakakuha ito ng ideya at si Sandro nga talaga ata ang chinat nito.

Habang nililibang ko ang sarili ko ay hindi ko namalayang naka idlip ako. Nagising nalang na ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Kinapa ko ang cellphone saka binuksan nagulat ako ng makita ang oras.

1:27 na, nag mamadali akong bumama upang kumain dahil hindi pa ako kumakain ng almusalan at tanghalian. Pagka baba ko nakita ko si manang na nag aayos ng lamesa.

"Oh mabuti at bumama kapa." Sarcastikong Sabi nito saakin kaya hindi ko maiwasang hindi mapa yuko. Iniwan ako nito sa sala kaya wala akong nagawa kundi kumuha ng makakain.

After a minute natapos rin ako. Bumalik ako sa kwarto ko upang maligo at mag ayos ng sarili. Lumabas ako mula sa Cr bago nagtungo sa kama kung saan ko nilagay ang isusuot kong damit. Nang matapos ako ay nagtungo ako sa malaking salamin ng kwarto ko, napatitig ako sa salamin habang sinusuklay ang bukas ko.

Nag lagay ako ng powder sa mukha ko at nag apply din ng liptint para hindi maputla ang labi ko. Kinuha ko naman ang bag ko saka lumabas ng kwarto at bumaba. Lumabas ako ng bahay at nag tungo sa gate nadatnan ko naman si manong rodi sa labas.

"Ma'am welcome." Tawag nito saakin kaya lumapit ako. Pinag buksan pa ako nito ng pinto kaya nag pasalamt ako.

"Manong pwede po bang daanan natin si mica?" Napa tingin naman saakin si manong mula sa salamin tumango ito bago muling ibinalik ang tingin sa daan.

Personage AmoreWhere stories live. Discover now