Chaptet 9

139 7 3
                                    

Nakatitig ako ngayon sa maamong mukha ni Rhian habang iniisip ko kung bakit siya nakipag inumam kay Kono. Sobrang lasing niya at ilang beses niya akong sinukahan kaya naman suot ko ngayon ang kanyang damit.

Nakita kong gumalaw siya at dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata hanggang sa magtama ang aming paningin.

" Brielle? What are you doing here?" Nakakunot ang kanyang noo na nagtatanong sa akin.

" What do you think I am doing here Rhian?" Malamig kong sagot.

Bumuntong hininga siya at dahan dahan siyang bumangon.

" You can go now, alam kong busy kang tao kaya pwedi mo na akong iwan dito." Sabi niya habang nakatalikod siya sa akin.

" Tell me, galit ka ba sa akin? May kasalanan ba akong nagawa sayo?" Tanong ko habang pilit ko siyang pinapaharap sa akin.

Tiningnan niya ang aking mga mata at mapait ang kanyang ngiti na ibinigay sa akin.

" I'm not mad at you, walang rason para magalit ako sayo dahil wala ka namang kasalanan sa akin. Kung pakiramdam mo ay iba ang pakikitungo ko sayo it's just because I have my reasons." Sagot niya.

" And what exactly that reasons are Rhian? Can you elaborate?" Tanong ko.

Umiling siya at naglakad siya patungo sa bathroom.

" You can leave now, thank you for taking care of me and I'm sorry for the trouble that I've caused you." Sabi niya habang tuluyan na siyang pumasok sa banyo.

Naiwan akong nakatayo habang iniisip kong ano ang posibleng dahilan kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin. Ang buong akala ko kasi ay okay na kaming dalawa but I guess mali ang inaakala ko.

Ilang minuto pa ay nakita kong lumabas na si Rhian at nakaligo na ito. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ako.

" God! You're still here? Akala ko umalis ka na? Would you mind? Magbibihis ako." Sabi niya.

Nagkibit balikat ako.

" Go ahead, nakita ko na yan nang pinunasan kita kaya huwag ka ng mahiya." Sagot ko.

Ilang sandali pa ay binato niya ako ng unan.

" You're pervert Brielle!" Inis niyang sabi.

" What should I do? Wala naman akong numero ni Wren para tawagan siya at siya ang magpunas sayo, gusto mo bang hahayaan nalang kitang matutulog habang suot yong sinusukahan mong damit? Painum inum ka hindi mo naman pala kaya." Sabi ko.

" Tell me, hindi mo naman ako pinagsamantalahan di ba?" Tanong niya sa akin.

Nakataas ang aking kilay habang nakatingin sa kanya.

" Mukha ba akong rapist? Isa pa, hindi naman kagandahan yang katawan mo, kaya hindi ako naaakit diyan." Sabi ko.

Nakita kong mas lalo siyang nagagalit pagkatapos niyang marinig ang sinasabi ko.

" What did you said? Hindi ka naaakit sa katawan ko? Wow!!! Did you just humiliate my body infront of me?" Galit niyang sabi habang naglakad siya ng dahan dahan papunta sa akin.

Napalunok naman ako dahil tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan niya ngayon.

" Hindi yan ang ibig kong sabihin. Nagkakamali ka ng pagkakaintindi Rhian." Sabi ko.

" Sige magpaliwanag ka kung ano ang mali ka pagkakaintindi ko? Kasi it's obvious naman kung ano ang ibig mong sabihin." Sagot niya.

" Hindi kasi ako basta basta naaakit Rhian dahil may respeto ako sa mga babae na kagaya mo, please don't get me wrong, maganda naman hubog ng katawan mo, it's just hindi lang talaga ganun ka sexy." Sabi ko pero ang totoo niyan ay muntik na akong matukso nang punasan ko siya mabuti nalang at napigilan ko pa ang aking sarili.

" Leave me alone Brielle will you?" Sabi niya habang nakatalikod siya sa akin.

Bumuntong hininga ako dahil alam kong masama ang loob ni Rhian sa akin ngayon kaya lumapit ako sa kanya.

" Look, I'm sorry kung bigla nalang akong sumulpot dito sa place mo. Hindi ko lang kasi matanggap na you spend alone with Kono at nag inuman pa kayo." Sabi ko.

" Why do you care kung sino ang taong gusto kong makasama Brie? Ano bang kailangan mo sa akin?" Tanong niya pero nananatili pa rin siyang nakatingin sa labas ng balcony.

" Ayoko lang na nakikita ka na kasama si Kono, hindi mo siya lubusang kilala Rhian." Sabi ko.

" Kagaya mo rin Brielle, hindi rin kita lubusang kilala. Can you stop playing games with me? I'm tired of being played alam mo ba yon? To be honest with you, I thought you we're different from them kasi noong una kitang nakita, ibang iba ka sa lahat ng taong nakikilala ko, but you suddenly changed Brie. And after that I don't know you anymore, alam mo kung bakit? Wala ka rin palang pinagkaiba sa kanilang lahat." Malungkot niyang sabi.

" Did you just compared me to your ex?" Tanong ko.

Pero hindi siya sumagot.

" You know what? Hindi ako kagaya ng ex mo na hindi ka kayang ipaglaban Rhian. I'm doing things na pagdating na araw ay hindi ka masasaktan at hindi mo yon naiintindihan. My life is a mess right now kaya ayokong masangkot ka sa gulo ng buhay ko because I love you." Sabi ko.

Napailing lang siya habang malungkot ang kanyang mga ngiti.

" You love me? Pero bakit tinitiis mo ako? bakit sinasaktan mo ako? Ganyan ka ba magmahal Brielle mapanakit? God! Okay na sana tayo eh, pero bigla nalang talagang nag iba simula nang bumalik ka mula Europe. I don't blame you naman eh, ang sa akin lang ay sana kung may balak kang paglaruan lang ang damdamin ko, please stop. Durog na durog na ang puso ko Brie, at kapag winasak mo pa ito ay hindi ko na alam kung paano ito buohing muli. Kaya ako na mismo ang nagmamakaawa sayo, stay away from me kasi pagod na akong masaktan at umasa." Sabi niya.

Bumuntong hininga ako at niyakap ko siya.

" Rhian, this is not the right time para sa ating dalawa, but if you really want me na mawala sa buhay mo, masakit man ay gagawin ko yon dahil mahal kita. Tandaan mo Rhi, darating ang araw na babalikan kita. At sisiguraduhin ko na kapag dumating na ang araw na iyon ay wala ng makakahadlang sa ating dalawa." Bulong ko sa kanya.

Pero hikbi lang ang tanging sagot ni Rhian at sa mga sandaling ito ay mas lalong nadudurog ang aking puso. Nasasaktan ako ng sobra kapag nakikita ko siyang umiiyak at wala naman akong magagawa kundi ang tiisin ang sakit na nararamdaman ko sa ngayon dahil yon lang ang alam kong paraan para maprotektahan ko si Rhian.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Island GirlWhere stories live. Discover now