Chapter 7

113 6 0
                                    

Hinintay ko ang tawag ni Brielle dahil ngayon ang araw na pupunta kami ng isla kaya naman masaya akong nag-impake ng aking mga damit.

Ilang minuto pa ay may unregister number na tumawag sa akin. Sinagot ko ito hoping that it was Brielle.

"Hello, whos this?" tanong ko.

"Hello, Miss Rhian. Si Zoe to, naalala mo pa ba ako?" Tanong ng kabilang linya.

"Zoe? Brielle's friend?" panigurado ko.

"Yes Rhian. Hmmm...Pasensya na po at hindi matutuloy si Brielle dahil nagkasakit siya. Nandtio siya ngayon sa St. Jude Hospital." Sabi ni Zoe.

"What? Is she alright? Wait for me there papunta na ako." Sabi ko.

"Rhian, huwag na. Nandito si Lorraine and siya ang nagbabantay kay Brielle." Sabi ni Zoe.

Bigla akong natahimik.

"Ahh, okay. I guess she doesn't need me then. Paki-kumusta mo nalang ako sa kanya Zoe." sabi ko.

"Rhian, huwag ka sanang mag-isip ng masama pero hindi ito gusto ni Brielle. Ayaw lang niya ng gulo kaya inutusan niya akong tawagan ka." Paliwanag ni Zoe.

"Okay thanks. Sige I have to hung up na. May gagawin pa ako." Sabi ko sabay putol ng tawag.

Nakaupo ako sa sofa habang tinawagan ko si Bianca pero hindi ito sumagot kaya naman tenext ko siya sa address na pupuntahan ko.

Nasa VIP Bar ako habang hinihintay ko si Bianca. Nakailang shots na ako ng tequila bago siya dumating.

"Hey, what are you doing here alone? Wheres your model girlfriend?" Sarcastic niyang tanong habang hinalikan niya ako sa pisngi.

"My  for hire girlfriend." mapait ang aking mga ngiti habang sinagot ko siya.

"What do you mean?" Tanong ni B.

"We're not in a relationship. Its her damn idea para daw hindi ako pagfiestahan sa socmed that day." Sabi ko.

Tumaas ang kilay ni Bianca habang nakatingin siya sa akin.

"Care to explain? Hindi lang tayo nagkausap ng isang linggo, pero ang dami ng nangyari sa buhay mo na hindi ko alam." Sabi niya.

Bago ako nagsalit ay ininum ko muna ang tequila na nasa shot glass. Ramdam na ramdam ko ang pait at init sa aking lalamunan habang dahan dahan kong inubos ang alak. At nagsimula na akong magkwento kay B.

Napailing nalang siya nang matapos niyang marinig ang aking kwento.

"So, she saved you from Glaiza. B, ano bang feelings mo for her?" Tanong ni Bianca.

Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata.

"To be honest with you B. I'm starting to like her, but takot akong mabigo ulit. I don't know her well. Ang dami pa niyang itinatago sa akin, kaya I think iiwasan ko na siya from now on." Sabi ko.

"Thats good to hear. May friend pala akong ipapakilala sayo. I know that you're into girls kaya I invited her now." Sabi ni Bianca sabay tawag sa phone.

Ilang sandali lang ay may lumapit na sa amin na isang sexy at magandang babae. Sinalubong siya ni Bianca at niyakap.

"B, meet my friend Kono she owned a modeling agency in Europe and California. Kono this is my bestfriend Rhian." Pakilala ni Bianca.

"Hi, nice to finally met you Miss Howell. You're more beautiful in person." Sabi ni Kono.

"Its my pleasure Kono." Sagot ko.

"I heard you and Brielle are lovers huh?" Sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Nah, its just a chismiss. Alam mo naman sa industry natin, tayo yung center of all the talk in the city." Sabi ko.

My Island GirlWhere stories live. Discover now