Chapter 2

620 18 2
                                    

"Brielle, paano mo ba nakilala si Rhian?" Tanong ni Zoe nang mag coffee break kami.

"She thought na tatalon ako sa dagat that time na dumaan siya. It's funny to think na sinabihan niya akong mas masarap mabuhay sa earth kesa sa kabilang buhay." Sagot ko.

"Ah, akala ko kilala mo yon eh." Sabi niya habang inaayos niya ang gitara.

"No, kilala mo naman ako, umiiwas ako sa mga babae." Sagot ko.

Tiningnan niya ako.

"Bakit di ka umiwas sa kanya?" Tanong niya.

Napa-isip ako sandali.

"Hmmm..I don't know. Pero komportable ako sa kanya. At first akala ko maarte siya pero di naman pala." Sabi ko.

"So, mapapalitan mo na ba si Loraine?" Tanong niya.

Ngumiti ako.

"I think no. Loraine was my great love and I don't think that Rhian girl ay papatol sa isang katulad ko." Sagot ko.

Ngumiti siya.

"Di natin alam. Kasi sa tinagal-tagal mo na dito,unang beses kitang nakitang ngumiti ng totoo ay yung kasama mo siya." Sagot niya.

Umiling lang ako.

"She's pretty and attractive. Pero sa ganda niyang yon, imposible namang wala siyang boyfriend di ba?" Sabi ko.

"Kunsabagay, pero may pag-asa siya sayo?" Pangungulit niya.

"Baka naman ikaw yung may gusto sa kanya Zoe. Sa akin mo lang pinapahid."Sagot ko.

Tumawa siya.

"Taken na ako Brielle, nakalimutan mo na ba?" Sabi niya.

Saka ko narealized na ikinasal na pala siya noong isang taon.

"Don't tell me, hindi mo natandaan yon?" Pag-alala niyang tanong.

"Kind of...pero naalala ko na ngayon." Sabi ko.

"Good. Basta yung gamot mo Brielle huwag mong kalimutan okay?" paalala niya.

"Yes boss." Sagot ko.

Zoe was the first island person na nakakita sa akin 5 years ago, habang nag-aagaw buhay akong napadpad sa isla nila. Their tribe helped me gain my memory and strenght back,kaya utang ko sa kanila ang buhay ko. And yon yung time na nagpasya akong dito na tumira. But I want to live alone so, sa kabilang island ako nagpatayo ng bahay for myself.

Gabi na at medyo padami na ng padami ang mga tao. Every Sunday ay may live show dito sa island, dadayo dito ang mga nasa city and karatig lugar para lang bigyang aliw ang mga tribu na naninirahan sa loob ng isla.

Pinaki-usapan ako ng isa sa mga kaibigan ni Zoe na kakanta during his proposal sa girlfriend niya, dahil hindi daw available yung vocalist ng banda na pinuntahan niya. So wala akong choice kundi ang tumango nalang, wala rin naman akong gagawin ngayong gabi.

Habang tinitingnan ko ang flow ng event ay bigla nalang may pumasok sa booth ko. Nang tiningnan ko ito ay alam ko nakita ko na siya di ko lang matandaan kung saan.

Ngumiti siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"How are you Brielle?" Tanong niya habang nakangiti.

Kinakabahan ako kasi hindi ko matandaan ang pangalan niya. Pero hindi ko ito pinapahalata sa kanya.

"I'm fine, buti naman nakarating ka." Sagot ko habang pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita.

"I don't break promises Brielle, kaya I'm here." Sabi niya habang titig na titig siya sa akin.

My Island GirlWhere stories live. Discover now