Chapter 5

143 10 3
                                    

"Where are you?" yan ang chat ni Loraine sa akin kaninang madaling araw. Hindi ko alam kung bakit hinahanap niya ako sa mga oras na yon pero may napatunayan ako sa aking sarili ngayon. Hindi na ako ang dating Brielle na isang chat lang niya ay pupuntahan ko agad siya kahit gaano pa ako kaantok at pagod noon.

Maaga akong dumating dito sa studio kung saan magkakaroon kami ng photoshoot. Ilang sandali pa ay nakita ko na si Loraine at ang kanyang manager na papunta na dito sa kinaroroonan ko. Tinignan ko ang oras may limang minuto pa bago kami magstart.

Malayo palang ay kita ko na ang galit sa mga mata ni Loraine habang hindi niya inalis sa akin ang kanyang paningin.

Agad siyang pumasok at dumeretso siya ng upo katabi sa akin.

"Why didn't you answer my call?" tanong niya.

"Hmm..I'm sorry, mahimbing ang tulog ko." Sabi ko.

"Who's with you?" tanong niya.

"I'm all alone. Bakit mo natanong?" Sabi ko.

Umiling siya bago siya nagsalita.

"Akala ko, magsisimula tayong muli Brielle. But I guess I was wrong." Sabi niya at dama ko ang lungkot sa kanyang boses.

Saktong alas otso ng umaga ay dumating si Rhian kasama ang kanyang manager.

Tahimik silang pumasok at umupo siya sa isang sofa na medyo malayo sa amin. Nakatingin lang ako sa kanya without knowing na nakatingin din sa akin si Loraine.

"Nang dahil ba sa kanya, kaya malamig ang pakikitungo mo sa akin ngayon Brielle?" tanong niya.

"Wala siyang kinalaman dito Loraine. So please, kung ano man yang iniisip mo, itigil mo na." Sabi ko.

Dumating si Hector at agad siyang nagbigay ng instructions kung ano ang gagawin namin. Habang isinasagawa namin ang picturials ay panay naman ang pangbablock ni Loraine kay Rhian at hindi ko na kayang tiisin ang mga nakita ko.

"Break muna tayo Hector." Sabi ko.

Agad namang pinaalis ni Hector ang mga staff niya.

"Whats wrong Brielle?" tanong ni Hector sa akin.

"Haven't you notice that Loraine keep on blocking Rhian?" Sabi ko.

"Oww!! Hindi ko napansin Brielle, is that true Loraine?" tanong ni Hector kay Loraine.

Pero tanging smirk lang ang isinagot niya.

"My apologies Rhian. Don't worry magfofocus na ako ngayon." Sabi ni Hector.

"Its fine, hindi naman big deal yon." tanging sagot ni Rhian habang nakatingin siya kay Wren.

Kinuha ko ang kamay ni Loraine at naglakad kami palabas ng studio.

"Excuse us for a minute." Sabi ko sa kanila.

Nasa labas na kami at agad ko siyang hinarap.

"Ano bang problema mo?" tanong ko.

"Nothing! I guess ikaw yung may problem dito." inis niyang sagot.

"Kilala kita, sinadya mo yon eh. Pwedi ba maging professional naman tayo sa trabaho natin. Itabi mo muna kung ano man yang naramdaman mo ngayon." Sabi ko.

"Wow! ikaw pa talaga magsasabi sa akin ng ganyan? Ikaw nga tong halos hubadan nalang siya kung makatitig eh. And ano bang tingin mo sakin? Walang pakiramdam?! You're selfish Brielle!" Sagot niya, but this time mukhang paiyak na siya.

I can't stop myself seeing her in pain, kaya bigla ko siyang niyakap and sakto namang bumukas ang pinto at nakita ko si Rhian. She's looking at me. The moment na nagtagpo ang aming paningin ay nakita kong nasasaktan din siya.

My Island GirlWhere stories live. Discover now