Chapter 8

149 9 3
                                    

Successful ang event na inihanda nila for Brielle. Ngayon ko lang napagtanto na she's not an ordinary person. Politicians, showbiz personalities at lahat ng kilalang tao at bigating negosyante ang dumalo para lang iwelcome siya dahil sa kakalabas lang niya sa hospital. Hindi na siya ang island girl na kilala ko.

Habang nag-iisip ay biglang tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko kung sino ang tumawag at si Kono ito.

"Hello napatawag ka?" Tanong ko.

"Hmmm, someone is not in the mood right now.", Tanging sagot niya.

"Hindi naman sa ganun napagod lang ako sa event kahapon.", Sabi ko.

"Oh, I see! I was there yesterday. Lalapitan sana kita kaso I saw you with Brielle kaya hindi na ako lumapit sayo.", Kwento niya.

"Ah, yon ba. May sinabi lang siya sa akin about the event."Paliwanag ko.

"Hmmm, is hugging you still part of the event Rhi?" Tanong niya.

Bigla akong natahimik.

Narinig ko naman tumawa siya sa kabilang linya.

"Just kidding. Hindi naman sa chismosa ako ha pero iwasan mo na si Brielle, kasi yong girlfriend niya is a war freak. At hindi yon maganda sa image mo." Sabi ni Kono.

"I know. Why are you telling me this?" Tanong ko.

"Concern lang ako sayo. Remember sa Europe base ako and ilang beses ng nagcross ang landas namin ng Lorraine na yan and I never liked her. Masyado siyang feeling privilege dahil sa girlfriend niya si Brielle."Kwento niya.

"Thanks don't worry hindi na magkukrus ang landas namin ni Brielle dahil ako na mismo ang iiwas sa kanya." Sagot ko.

"Its good to her. So ano celebrate tayo?" Sabi niya.

"I'm sorry pero tamad akong lumabas ngayon eh."Sagot ko.

"No problem ako nalang ang pupunta sa place mo. Okay lang bang magdala ako ng wine?" Tanong niya.

"Sure, ikaw bahala. Sige maghahanda lang muna ako." Sagot ko and I ended the call.

Lumipas ang ilang oras ay may kumatok sa aking pintuan. Pagbukas ko ay mukha ni Kono ang sumalubong sa akin na nakangiti.

"I can't believe na nandito ako ngayon sa place mo." Sabi niya habang naglakad siya papasok sa loob at inilapag niya ang kanyang mga dala sa table.

"Tayo lang bang dalawa?" Tanong ko.

Nagkibit balikat siya.

"Kung gusto mong tumawag ng makakasama ay okay lang sa akin." Sabi niya.

Ayoko namang isipin niya na wala akong tiwala sa kanya kaya naman umiling nalang ako.

"No its fine. Harmless ka naman siguro di ba?" Nakangiti kong sabi.

"Yes ofcourse! You"re safe with me Whiwhi."Sabi niya.

Matapos ang introduksyon ay pareho na kaming nakaupo sa sofa habang nanunood ng movie.

"Rhian, okay lang bang maglilive ako sa IG ko? Matagal na din kasing hindi ako nakapag update sa mga followers ko eh." Tanong niya.

"Go ahead bat nagpapaalam ka pa." nakangiti kong sagot.

"Baka kasi ayaw mong malaman ng mga netizen kung nasaan ka eh." Sagot niya.

"Grabe ka naman bat seryoso huwag mo akong icapture ha? I look lika a mess right now." sagot ko.

Ngumiti lang siya.

Tumayo si Kono at kinuha niya ang kanyang cellphone at sinimulan na niyang mag live broadcast.

Habang busy siya sa pag entertain sa mga netizens ay kinuha ko naman ang isang bote ng vodka at binukasan ko ito.

My Island GirlWhere stories live. Discover now