Umiling ako. " Dito na ako."

Tahimik akong kumain sa sala. Maya maya nya akong sinusulyapan. Nakikita ko lang sa peripheral vision ko na nililingon nya ako. Nang matapos ako ay iniligpit ko na ang pinagkainan at hinugasan iyon. Nagpunas ako ng kamay at pag lingon ko ay nasa harapan ko na pala si Sir Calren. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.

"Sorry, I scared you." Saad nya.

"Nagulat lang ako. Sumulpot ka kasi." Yun lang ang sinabi ko at akmang aalis na sana sa harap nya.

"No, I meant earlier. I should've not said that to you. I was just..." Napatigil sya at umiling.

Umirap ako at lumakad na paalis sa harapan nya. Iniisip pa pala ang sasabihin. Bukas mo nalang ako kausapin. Hinila nya ang braso ko para iharap ulit sa kanya.

"Please hear me out." Saad nya at maigi akong tinignan sa mata. Malungkot ang mga mata nya at parang hinahaplos ang buong pagkatao ko.

"I'm sorry. I'm sorry for what I've said. I'm sorry for being a jerk. I'm sorry."

Hindi ko namalayan na nakahawak na pala ang parehong kamay nya sa palapulsuhan ko.

"Okay na." Tipid akong ngumiti.

Hindi nya parin tinatanggal ang mata saakin. "I'm sorry."

"Sir, okay na po. Please, din. Masyado na kayong nagiging concern saakin. Hindi na magandang tignan." Medyo nainis na ako at miski ako nagulat sa sinabi ko.

Hindi ko na sya maintindihan. Empleyado nya lang ako at hindi maganda na napapalapit ang loob nya saakin.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong nya saakin.

"Sir, hindi maganda para sa inyo na masyado kayong nagiging concern sa buhay ng empleyado nyo. Gaya nito. Hindi ko na kayo maintindihan. Ginugulo nyo na ang utak ko. Please lang. Itigil nyo na." Saad ko at kinalas ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko.

Bakas sa pagmumukha nya ang sakit dahil sa ginawa kong pagkalas. Umatras sya saakin. "I understand. I'm sorry again. Goodnight."

Umalis na sya sa harapan ko at kinuha ang laptop nya. Iniwan nya akong nakatayo doon at pumasok na sa kwarto ni Joaquin. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ba ako nasasaktan? E, tama lang naman ang ginawa ko.

Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising. Hindi kasi ako agad nakatulog kagabi dahil sa kakaisip.

"Tappy! Gising kana pala." Bungad saaki ni Ate Delya. Nasa lamesa na silang lahat at nag uumagahan na. Nagkakape si Sir Calren sa lamesa. Ibinaba nya ang tasang hawak ng makita ako. Bumati ako sakanila.

"Ngayon ka lang ata tinanghali ng gising ah. Masarap ba ang naging tulog mo?" Si Ate Delya 'yon.

Tumango ako at ngumiti. Napakamot ako sa batok dahil sa pagsisinungaling. Hindi naman kasi talaga naging maganda ang tulog ko. Madaling araw na ata ako tinamaan ng antok.

"Pupunta tayo sa isang falls na malapit dito. Maliligo tayo doon, Ate." Saad ni Angge.

Tumabi ako sakanya at dumampot ng pandesal sa lamesa. Lumingon ako kay Sir Calren na seryoso na nag ccellphone habang nag kakape. Mukhang ako pa ata ang makokonsenysa.

"Ma, kayo nalang po ang pumunta. Maglalaro kami ng basketball ni Baste." Paalam ni Joaquin sa Ina.

"Ay naku! Puro ka nalang basketball bata ka!" Sermon nya sa anak. Sa huli ay pinayagan nya din ang anak pero bago iyon sangkatutak na sermon muna ang inabot ni Joaquin.

Matapos namin kumain ay naghanda na kami sa mga dadalhin namin para sa pagligo namin. Magdadala kami ng baon e.

Hindi din daw sasama si Mang Ruben dahil magbabantay sya sa taniman nila dito.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now