CHAPTER 37: Getting Weaker

755 27 1
                                    

CHAPTER 37: Getting Weaker

Crystal Leigh's P.O.V.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid ng kuwarto ko. Gusto kong sariwain ang mga alaala namin ni Akira noong nandito pa siya. Noong gabing may nangyari sa amin, iyon na yata ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko. Kahit na iiwan ko na ang kuwartong ito, mananatili pa rin sa isip at puso ko ang mga alaala namin na iyon.

Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay sa loob ng isang box. Nag-decide ang parents ko na sa bahay na lang ako mamalagi. Ang dahilan? As usual, dahil sa lumalala kong kondisyon. Sapat na rin sa akin ang nalayo ako sa kanila sa maiksing panahon. Sa ngayon, gusto kong sulitin ang mga araw na kasama ko pa sila.

Chineck ko isa-isa ang mga drawers hanggang sa nakita ko ang bracelet. Napangiti ako at isinuot iyon sa pulsuhan ko. Itinuloy ko na ang pag-aayos at binuhat ang mga box papunta sa living room. Ilang sandali pa ay naupo muna ako sa sofa upang magpahinga. Sumasama na naman kasi ang pakiramdam ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang tiisin itong sakit ko. Sa totoo lang, napapagod na ako.

Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang phone ko na nakalapag sa mini table. Inabot ko 'yon at chineck.

Mommy:
We'll pick you up later.
Take care. Love you.

I accidentally dropped my phone when my chest started to hurt even more. I cannot breathe... I am having difficulty in breathing... It hurts so much...

*DING-DONG!*

Agad akong napatingin sa gawing pinto. Who could that be? Could it be Mommy and Daddy? But didn't she just text me? Ang bilis naman yata nilang dumating.

Pinilit kong makatayo nang maayos at tinungo ang pinto. Hindi ko na chineck kung sino 'yon at basta ko na lang binuksan ang pinto. Hinanda ko ang sarili ko upang ipakita kina Mommy na ayos lang ako.

"Mom—" Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ko kung sino ang nasa labas. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Totoo ba 'to? O baka guni-guni ko lang 'to dahil namimiss ko na siya? Ipinikit ko ang mga mata ko at ipinilig ang ulo ko dahil baka namamalikmata lang ako.

"Leigh. I'm back."

It was her voice... Kung gano'n, siya talaga ang nasa harapan ko ngayon?

I opened my eyes. "A-Akira..." sambit ko nang ma-realize kong siya nga ang nakikita ko ngayon. She's here. She's in front of me with a smile on her face.

"Leigh!" Agad niya akong niyakap na siyang bahagya kong ikinagulat. "I miss you so much, Leigh..."

This is real. Nandito na nga si Akira. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko rin siya pabalik. Nag-uumapaw ang sayang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalain na muli ko siyang makikita.

"Akira. Bakit nandito ka? 'Di ba, dapat nasa Japan ka?" tanong ko habang yakap pa rin namin ang isa't isa.

"Nakiusap ako kay Dad. Sinabi ko sa kaniya na ayokong magpakasal. Sinabi ko sa kaniya na mas masaya ako kung ikaw ang kasama ko. Ito ang unang beses na sinuway ko ang gusto niya. At sobrang sarap sa pakiramdam no'n... Lalo na ngayong kasama na ulit kita."

Matapos kong marinig ang mga sinabi niya ay napangiti ako. Kumalas ako mula sa pagkakayakap naming dalawa at hinalikan siya sa mga labi. Mabilis niya iyong tinugunan.

Hindi ako makapaniwala. Nandito na ulit ang babaeng mahal ko. Ang tagal kong nangulila sa kaniya simula no'ng umalis siya.

"I love you, Akira."

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now