CHAPTER 11: Meeting Her Family

979 40 0
                                    

CHAPTER 11: Meeting Her Family

Crystal Leigh's P.O.V.

"Hilig mo talaga ang pagbabasa, 'no?" dinig kong tanong ng isang boses. Inalis ko ang pokus ko sa hawak kong libro at inangat ang tingin.

Si Akira pala.

"Yeah. Reading is my hobby," nakangiting tugon ko sa kaniya. Nakaupo ako ngayon sa isang bench at nagbabasa. Umayos ako ng upo para makaupo siya sa tabi ko na ginawa naman niya.

"Ano pa ba ang mga hilig mong gawin bukod sa pagbabasa?"

"Marami."

"Tulad ng?"

Tumingin ako sa kaniya at nag-isip kung ano pa nga ba ang mga hilig kong gawin. "Hang out with friends, eating and sleeping."

"Bukod diyan?"

"Ha? Ahm, wala na..."

"Huh? Pero ang sabi mo marami?"

"Wala na akong maisip, e." Bigla siyang natawa kaya naman nakitawa nalang din ako.

"Kawaii," Cute, nakangiti niyang sabi habang nakatitig lang sa akin.

Hindi ko alam ngunit bigla na lang din akong napatitig sa mga mata niya. Gusto ko man na i-alis ang tingin ko sa kaniya ay hindi ko magawa. Sapagkat, kahit siya ay nasa sa akin pa rin ang mga mata niya.

Those pretty eyes, and her adorable smile...

"Arigatou." Thanks. I just mouthed. She complimented me so I have to thank her. "You're cute also..." turan ko sa mahinang boses pero sapat na para marinig niya lalo na at kaunti lang naman ang distansiya naming dalawa.

Habang nakatitig sa mga mata ng isa't isa ay hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. Until now, she's wearing the same smile and it's contagious.

"Crystal!"

Nabalik ako sa sarili ko nang makarinig ako ng sigaw. Lumingon ako at gano'n na lamang ang gulat ko nang makitang may bolang papalapit sa direksiyon ko.

Teka—mukhang tatama pa sa mukha ko!

No!

Wala akong nagawa kundi ang pumikit na lamang. I waited for almost how many seconds bago tumama ang bola sa mukha ko, kaya lang wala pa rin akong nararamdaman.

I tried to open my one eye to see the ball's coming. Wala na akong nakitang paparating na bola kaya idinilat ko na rin ang isa kong mata.

Wait, where's the ball?

"Are you okay, Leigh?" tanong sa akin ni Akira.

I nodded. "Yes."

Bigla namang nagsilapitan sa amin sina Remi, Molly, at ang iba pa nilang kalaro sa kinaroroonan namin.

"Ayos ka lang ba, Crystal?" parehong tanong nina Molly at Remi.

"Oo naman. Hindi naman tumama sa akin ang bola."

"Thanks, Akira!" Napalingon ako sa isang babae at kinukuha niya mula sa pagkakahawak ni Akira ang bola.

Wait? Did she catch the ball herself?

Bigla namang lumapit sa akin 'yong isang babae na siyang kumuha ng bola kay Akira. "I'm really sorry, Crystal. Napalakas kasi 'yong pag-strike ko sa bola, kaya sorry. Muntikan pang tumama sa 'yo, buti na lang at nasalo ni Akira."

So, tama nga ako. Nasalo nga ni Akira 'yong bola kaya hindi tumama sa akin.

"It's okay." I just smiled at her.

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now