CHAPTER 10: Condition

966 45 0
                                    

CHAPTER 10: Condition

Crystal Leigh's P.O.V.

"Crystal!" Napalingon ako sa biglang tumawag ng pangalan ko. Nakita ko si Gia na papalapit sa gawi ko. "Mag-isa ka lang?" she asked as she sat down next to me sa bench kung saan ako nakaupo ngayon.

I nodded at her. "Yeah." Nasa quadrangle ako ngayon at mag-isa lang ako. Sina Molly at Remi kasi ay may pinuntahan lang saglit.

"Where are your friends?"

"They just went somewhere."

"I see."

"By the way, ano nga pala ang ginagawa mo rito? I mean kanina naglalaro ka ng volleyball, ah?" tanong ko sa kaniya na itinuro ko pa iyong mga naglalarong estudyante hindi kalayuan sa amin.

"Ahh... Inalis kasi nila ako sa laro eh, hehe."

"Huh? Bakit naman?"

"As usual, they don't like me. Kaya ayaw nila akong kalaro..." natatawang usal niya pero alam kong may nakatagong lungkot sa likod no'n.

"W-Why?" nag-aalangan kong tanong. Hindi ko kasi alam kung paano ako magre-response sa kaniya lalo na at aware ako sa nangyayari.

"Maybe, they find me more beautiful and smarter than them, that's why." Muli siyang natawa. But I know that she's just trying to lighten up the mood.

"Yeah, siguro nga," natatawang sang-ayon ko.

"Ikaw ba, Crystal?"

"Huh?"

"Ni minsan ba, hindi mo rin ako nagustuhan?"

Nagulat ako sa tanong niya. "W-What do you mean?"

"I mean, tulad nila naging hate mo rin ba ako?"

'Yon pala ang ibig niyang sabihin.

Umiling ako sa kaniya. "Nope. Why would I hate you?"

"Kasi karamihan sa kanila ayaw sa akin. Obviously, they hate my personality or maybe they really hate me as who I am." Tipid siyang ngumiti at nakatitig lang ang mga mata niya sa mga naglalaro na kanina ay kalaro niya.

"Huwag mo ngang isipin 'yan." Hinawakan ko siya sa balikat. "There's nothing wrong with you. There's nothing to hate about you." Sinubukan kong palakasin ang loob niya.

"Maybe there is... Kasi it's impossible naman na maging hate nila ako without any reason, right?"

"Aish, 'wag ka ngang magsalita nang ganyan. Alam mo siguro nagkamali lang sila nang pagkakakilala sa 'yo. For me, you're a nice person, you're unique, and especial."

"Don't overfeed me with your jokes, Crystal," she then laughed again as if there's something funny in what I just said.

"I'm not a joker nor a liar," I said in a serious tone na nagpatigil sa kaniya. "Look, those people who hated you don't even know you enough. They don't even know what kind of person you are, and what's inside your heart. You don't have to feed your mind with such things, as if you're the cruelest person ever." Umiling-iling naman ako.

"Well, what other people might say really doesn't matter to me. As long as there's still a person like you that appreciates my existence." She smiled at me genuinely so I did.

"Crystal!" Sabay kaming napalingon nang muli na namang may tumawag sa pangalan ko. I saw Remi with Molly walking toward my direction.

Nang makalapit na sila sa amin ay nagtatakang tiningnan nila si Gia.

"Bakit kasama mo siya?" masungit na tanong ni Remi sa akin patukoy kay Gia.

"Ahh—"

"Ahm, Crystal," pigil ni Gia sa akin nang akmang sasagot pa lang ako. "I'll go ahead na. It was nice talking to you. See you later!" nakangiting paalam niya sa akin at nagsimula nang maglakad palayo.

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now