CHAPTER 09: Happiness

1K 43 2
                                    

CHAPTER 09: Happiness

Crystal Leigh's P.O.V.

"Nakita mo ba si Akira?" tanong ko kay Remi nang mapansin kong hindi pa rin siya bumabalik ng classroom simula no'ng mag-lunch break. Hindi namin siya kasabay kasi may pupuntahan daw sila nina Jane at Karen. Hindi ko naman alam kung saan sila nagpunta. Siguro close na talaga sila kay Akira. Pero kanina pa nakabalik sina Jane at Karen samantalang siya wala pa rin. Nasaan naman kaya siya?

"Hindi ko pa siya nakikita, eh. 'Di ba, kasama niya sina Karen at Jane?" ani Remi.

"Kaya lang kanina pa naman nandito sina Karen, eh."

"Ehh?" Tumingin naman siya sa gawi no'ng dalawa. "Oo nga, 'no? Nandiyan nga sila," she confirmed.

Muli akong sumulyap sa upuan ni Akira.

"Nandiyan lang 'yan si Akira. Babalik din 'yon mayamaya lang," nakangiting sabi sa akin ni Remi.

I nod. "Uhm."

-

Akira's P.O.V.

Muli kong tinitigan ang mukha ko sa salamin.

"Ano ba talagang nangyayari sa 'kin?" kanina ko pa paulit-ulit na ibinubulong sa sarili ko.

Nandito ako sa comfort room dahil hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Simula kagabi parang hindi na ako makapag-isip nang maayos. No'ng kunin ko kay Remi ang number ni Leigh akala ko hindi niya ibibigay pero walang sabi-sabi na ibinigay niya. Sinubukan kong tawagan si Leigh at no'ng marinig ko ang boses niya pakiramdam ko nawalan ako ng boses para makapagsalita. Kaya nagulat ako nang i-text niya ako at nakilala niya pala ako, hays. Sa nangyari kagabi nahihiya na ako sa kaniya ngayon. Hindi ko rin alam kung paano siya haharapin at kakausapin. Para akong nawawala sa sarili ko kapag kasama o kausap ko siya.

"Ano ba talagang nangyayari sa 'yo Akira?" tanong kong muli sa mukha ko sa salamin.

Mabuti na lang walang tao ngayon dito at mag-isa lang ako dahil baka kung anong isipin nila sa akin. Tumingin ako sa wrist watch ko. Malapit na pala mag-time para sa afternoon class.

Simula kaninang umaga nang makita ko siya 'yong puso ko parang biglang naging abnormal na naman. Hindi ko na talaga maintindihan. Wala naman akong sakit pero bakit ako nagkakaganito? Saka bakit sa kaniya lang?

Naghilamos ako ng mukha at pinunasan ito gamit ang panyo ko. Huminga ako nang malalim habang nakapikit ang mga mata ko saka ko napag-desisyunang bumalik na ng classroom.

Nakayuko lang ako hanggang sa makaupo na ako sa upuan ko. Pakiramdam ko nakatingin siya sa akin kaya naman hindi ako nag-abala na lumingon sa kaniya o kahit man lang ang sulyapan siya. Baka kasi biglang mawala na naman ako sa sarili ko nakakahiya dahil baka isipin niyang weird ako.

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay natapos na ang buong klase. Sa sobrang pag-iisip hindi ko man lang namalayan ang mabilis na paglipas ng oras. Agad kong inayos ang mga gamit ko at tatayo na sana ako nang biglang tawagin niya ang pangalan ko.

"Akira..."

Dahan-dahan naman akong lumingon sa kaniya. "Yes?"

Hindi niya ako sinagot instead ay ngumiti lang siya sa akin. Bakit gano'n? Bakit parang lalo siyang gumaganda?

"Crystal, let's go!" tawag naman sa kaniya ni Remi.

"Sorry, pero may lakad kami ngayon ni Akira, e."

Huh? Lakad?

"Lakad?" tanong ni Remi. "Anong lakad? Saan kayo pupunta?"

"We're going to have some fun, right Akira?" sagot niya kay Remi at nakangiting lumingon sa akin.

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now