Tumango tango nalang ako kahit may iba akong iniisip. Siguro nakikitaan nya pa ng interes ang trabaho kesa sa mga naging girlfriend nya. Ansakit naman kung ganon.

"Let's go. "  Aya nya nang makababa na.

Tinulungan nya kaming isakay sa sasakyan ang mga bag na dala namin. Laman daw nito ay mga pasalubong ni Ate Delya sa mga anak at pamangkin nya.

Habang nasa kotse kami papuntang bus terminal ay tahimik lang ako. Paano ba naman, nasa front seat ako at katabi ko sya. Halos mag ka stiff neck na din ako kakatingin sa labas ng bintana maiwasan lang ang tingin nya saakin.

"Are you okay? You look sick." Alalang tanong nya.

"Okay lang po ako, hehe."

"Naku, Tappy. Baka hindi ka sanay sa byahe at baka sumuka ka. Nagdala ako ng supot at white flower dito sa bag. Magsabi ka lang." Sabi ni Ate Delya sa backseat.

Tumango nalang ako.

Nang makarating na kami ay agad kaming bumaba. Sya na din ang nagbaba ng mga gamit. Nagpasalamat kami sakanya at mag aantay pa kami ng bus papunta ng Delfoso.

Tatalikod na sana ako ng pigilan nya ang braso ko. Nauna na si Ate Delya papasok ng terminal dahil naiihi daw sya.

Hinarap ko si Sir Calren at naglabas sya ng phone mula sa bulsa nya.

"Take this with you. It's a spare phone that I have. I don't need it anymore so you can have it." Saad nya at inabot ang itim na phone saakin. Hindi lang basta bastang phone. Iphone pa!

"Naku, hindi ko po matatanggap yan."

"No, take this so I can contact you easily." Seryoso nyang sabi at kinuha ang kamay ko at sya na mismo ang naglagay sa kamay ko.

"Ahm salamat po. Aalagaan ko po ito ng mabuti." Saad ko at ngumiti sakanya. Masyado talaga syang mabait saakin. Naalala ko tuloy ang sinabi saakin ni Ate Delya na huwag magpapaniwala sa kanila dahil matinik sila sa babae. Baka yung mga kaibigan nya ang tinutukoy ni Ate Delya? At hindi sya kasali.

Tumango lang sya at ngumiti. Tumalikod na ako at bago yon kinawayan ko muna sya. Kumaway din sya pabalik habang nasa isang bulsa ang kamay.

Mahigit apat na oras din ang itinagal ng byahe namin papyntang Delfoso. Nang makababa kami sa mismong bus stop ng Delfoso ay nilingon ko napaka blue na dagat. Sariwa ang hangin dito sa Delfoso at madaming mga puno. Akala ko ay mabukid itong mismong lugar. Sa banda lang siguro nila Ate Delya ang medyo bukid.

Sumakay kami ng tricycle at sobrang namangha ako sa mga nadadaanan namin. Sobrang gaganda kasi ng mga palamuti na hinanda nila sa nalalapit na pista. Madaming sinabi saakin si Ate Delya habang nasa byahe pa kami. Masaya daw dito dahil every fiesta ay naghahanda sila ng naparaming pakwan para ipakain sa buong Delfoso. Kumbaga tradisyon at pasasalamat sa maganda ani na natatanggap nila taon taon. Excites na tuloy ako. Marami ring palaro at kasiyahan.

Nang makarating kami sa bahay nila ay mas lalo akong namangha sa napakalawak na taniman ng pinya sa gilid ng bahay nila Ate Delya. Gawa sa kahoy ang bahay nila at sobrang ganda ng pagkakagawa. Malinis ang bakuran at magaganda ang mga halaman at bulaklak. Naingit tuloy ako sa mga halaman nila dito.

"Mama!" Sigaw ng batang babae na nasa kinse anyos siguro. Nagmadali itong tumakbo at yumakap kay Ate Delya.

"Angge, anak. Miss na miss kayo ni Mama. Asan si Joaqin?" Sabi ni Ate Delya.

"Nasa plaza po sila kasama si Papa. Nag aayos ng decorations para sa baranggay natin." Sagot nya at tumingin saakin.

"Ah. Ito nga pala si Ate Tappy mo. Kasama namin sa bahay." Pakilala saakin ni Ate Delya sa anak.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now