“I can see that you are very happy.”

“Of course. Dad, I’ve never felt this in my whole life.”

Siya naman ang napatawa. “Nasabi mo na rin iyan sa akin noong regaluhan kita ng bagong dollhouse...”

Lumabi ako sa ama. “It’s different.”

“What I mean is, you are so happy and excited about the new dollhouse, pero pagkaraan lang ng ilang araw ay nagsawa kana agad doon. Baka naman ganoon din ang nararamdaman mo kay Lucas—”

“No. Of course not, Daddy. I really love him.”

“Pinapaalalahan lang kita, anak. Hindi isang laruan ang pakikipagrelasyon. At hindi rin ito laging masaya. Dapat alam mo iyan.”

Yumakap ako sa braso ni Daddy saka humilig dito. “I know that, Dad.”

“Mabuti kung gano’n.”

“Dad, do you like Lucas for me?” tanong ko pagkuwan. Curious lang ako roon.

“Maybe...I don’t know.”

Inilayo ko ang sarili sa ama at maang itong tinitigan. “So, si Dale ang gusto mo para sa akin?”

“Wala akong pinipili sa mga iyon. Kung sino ang nagpapasaya sa prinsesa ko ay doon ako, okay.”

Isang malawak na ngiti ang sumilay sa aking labi bago ito muling niyakap nang sobrang higpit. He is always be my first love.

“Naisip ko lang, siguro kung kasama natin ang kuya mo...hindi ka basta-basta malalapitan ng mga lalaki,” dagdag ni Daddy na ikinatigilan ko. Ngayon lang niya nabanggit si Kuya sa tagal ng panahong wala ito.

“Dad, I know you miss him so much. Bakit hindi pa kayo mag-usap—”

“Gabi na, Sweetheart. Oras na para matulog ka,” putol nito sa akin.

I sighed. Masaya ako dahil hindi niya kami hinadlangan ni Lucas katulad noon kina Kuya Yuan. Pero deep inside ay nalulungkot din ako para kina Daddy at Kuya. Nagdadalawang isip din ako kung sasabihin ba sa kapatid ang tungkol sa nobyo.

Saka na lang siguro.



Lucas

Bihis na ako nang bumaba sa kusina. Balak kong sunduin si Pauline para ihatid sa school at isasabay ko na rin si Freya. Gusto kong samantalahin ang libre kong oras sa dalaga dahil kapag nagsimula na ako sa VBC ay tiyak na magiging abala na ako.

“Ihahatid ko si Pauline sa school. Sumabay kana rin sa akin,” sabi ko sa kapatid na tahimik sa pagkain. Batid kong may tampo pa rin ito pero ayoko na lang patulan. Mawawala rin naman agad iyon.

“Ihahatid mo kami gamit ang owner type jeep mo. Tsk!” ingos ng dalaga.

“What’s wrong with that? Malinis naman iyon at kapapalit lang ng upuan.”

“Kuya! Prestigious school iyon. Alam mo ba ang sinasabi ng mga matapobreng friends ng Pauline mo? Hindi raw kayo bagay dahil mayaman sila.”

“At kailan ka pa nagpa-apekto sa mga iyon?”

“Walang problema sa akin. Sa iyo meron. Ayoko lang naman na pinag-uusapan ka nila. Hindi ko rin naman sila masisi dahil tingnan mo naman ang sasakyan mo.”

Napailing ako sa kapatid. “Mas ikaw iyong mukhang matapobre, alam mo. Buti pa si Pauline, hindi ikinakahiya ang pagsakay sa owner ko.”

“Paano ka naman nakakasiguro? Bakit kasi ang kuripot mo? Pati sarili mo ayaw mong gastusan!” inis nitong saad sa huli.

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now