Chapter 36

95 2 0
                                    


Author's POV


"Ano ba talagang gusto mong sabihin?" naiinis na sabi ni Ria. Marahil lahat sila doon ay naguguluhan na sa mga pinagsasabi ng babae.

"Tell me everything," seryosong sabi ni Aiden.

Hindi kaagad nagsalita ang babae. Napabuntong-hininga muna ito bago nagsalita, "Bago 'yan, ipapakilala ko muna ang aking sarili. Ako si Orlana, ang witch ng Crimson pack." napatingin ito nang direkta kay Aiden, "tama... ang pack na kinabibilangan ng iyong Luna."

"Crimson pack? Hindi ba sila 'yung misteryosong bumagsak 7 years ago? Ang balita ko lahat ng mga miyembro ng pack na 'yon ay namatay kasama na ang kanilang Alpha at Luna," sabi ni Andrei. Doon natigilan si Aiden. Tama, narinig niya na rin ang balitang iyon noon. During that time, abala pa lang siya kung paano ibabalik sa dati ang Red Lunar pack.

"Ang totoo niyan, may kinalaman din ang Midnight pack sa pagbagsak ng Crimson pack. Nine years ago,  nagsaya ang lahat dahil matagumpay ang pack ninyo na halos pabagsakin ang Midnight pack. Napatay ang Luna kaya ang inaasahan ay kahit na nakatakas ang Alpha na si Seth, susunod na mamamatay rin ito. Pero hindi, bago pa man nangyari ang bagay na 'yon, umisip na kaagad ng ideya si Seth. Gamit ng isa nilang magaling na witch, tinawag nila ang kaluluwa ni Emery mula sa mundo ng mga kaluluwa."

"Posible 'yon?" gulat na tanong ni Andrei.

"Kahit sinong mahusay na witch ay kayang gawin iyon ngunit ipinagbabawal ito ng mga Elders. Malaking parusa ang matatanggap namin kapag nahuli kaming gumagawa nito." 

"Baka pwedeng—

"Hindi. Malaking peligro rin ang spell na 'yon, walang kasiguraduhan kung tamang kaluluwa nga ba ang matatawag," putol na sabi ni Orlana nang mahulaan nito ang sasabihin ni Andrei. Siguradong ang tanong nito ay kung maaaring gawin pa rin ang spell kung para sa mabuting rason ito. "May katanungan pa ba kayo?" Walang sumagot kaya ipinagpatuloy nitong muli ang kaniyang kuwento.

"Bago isinakatuparan ang spell, kumuha sila ng bagong malilipatang katawan ni Emery ngunit ang hindi nila alam, dapat ay ang katawang iyon ay isa ring Luna o nakatakdang maging Luna ng isang pack. Kaya nang dumating na nga ang araw ng pagtatawag ng kaluluwa ni Emery, naging matagumpay sila sa spell ngunit mali ang nakuhang katawan kaya ang nangyari ay mag-isang gumala ang masamang kaluluwang iyon dito sa lupa. Naghanap ito ng malilipatang katawan..."

"And unfortunately... it went to Samara," sabi ni Aiden. Sa kuwento pa lamang ng witch ay nakukuha na niya kung anong sunod na nangyari at may hinala na rin siya sa kung anong maaaring naging hantungan nito. Sana nga ay mali ang kutob niya na si Samara ang naging dahilan ng pagbagsak ng sariling pack nito.

"No'ng unang nakuha ni Emery ang katawan ni Samara ay nakapatay na siya ng tatlong werewolves. Mabuti na lang at nagawa pa rin siyang patumbahin ng mga pack members ng Crimson pack. Hindi nila siya pinatay bagkus ay ikinulong siya sa kulungang gawa sa silver. Pagkatapos no'n ay ipinatawag nila ako upang tulungan sila—si Samara na anak ng Beta. Naging madali lang naman sa 'kin na malaman ang sitwasyon. Nalaman ko kaagad na sinaniban si Samara ng isang kalahating witch na werewolf."

"What?" kunot-noo na sabi ni Aiden sa huling sinabi ni Orlana. Pati na rin sina Ria at Andrei ay mukhang nagulat din sa sinabi nito.

Mas bumakat na sa mukha ni Orlana ang pagkaseryoso. "Tama, ang Luna ng Midnight pack ay isa ring witch. Kaya niyang gumamit ng spells at hindi lang 'yon, mahusay rin siya rito kagaya ko. Kamatayan lamang ang nakikita kong madaliang solusyon upang mawala ang kaluluwang iyon," sabi nito at saglit na napadungaw sa labas ng bintana ng opisina bago napabalik din ang tingin sa tatlo. "Pero dahil sa nagmakaawa ang mga magulang ni Samara kasama na rin ang Alpha at Luna ng Crimson pack na iligtas si Samara, humanap pa ako ng ibang paraan. Ilang buwan kong sinubukang humanap ng alternatibong paraan upang mawala ang kaluluwa sa katawan ni Samara."

Werewolf Series #1: Hidden MateWhere stories live. Discover now