Chapter 4

642 17 2
                                    

Samara Torres



Binalot ako ng andrenaline rush at tumakbo ako nang mabilis na parang nakasalalay na ro'n ang aking buhay-ah well, parang ganoon na nga ang sitwasyon ko.

"Samara!" rinig kong galit na tawag sa 'kin nung lalake pero ipinagpatuloy ko lang ang pagtakbo. This is my chance na makatakas. Kailangan kong makatakas sa baliw na lalakeng 'yon! O sa kabaliwang ito!

Napasulyap ako sa likuran ko at nakitang humahabol sa 'kin 'yung lalake. Ang sama talaga ng ekspresyon niya!

"Sheeeet! Ahhh!" sigaw ko na sa sobrang kilabot. Ang pinaka ayaw ko talaga ay ang habulan. Ako pa talaga ang biktima at siya ang killer—without a weapon. Ni hindi ko nga alam kung paano pa ako nakakatakbo kung nanginginig na ang bawat laman ko sa takot! Ang masaklap pa, wala akong suot na sapatos kaya ramdam ko ang bawat sakit ng mga naapakan kong matatalim na sanga at mga bato na tumutusok sa balat ng mga paa ko. Nagpaliku-liko na ako ng daan para lituhin siya. Left-right-left ang ginagawa kong direksyon sa pagtakbo. Putragis lang at puros mga nagtataasang puno lang ang mga nakikita ko sa paligid. Hindi ko alam, basta dideretsuhin ko na lang ang takbo, going north at kapag sinuwerte ako, baka mahanap ko ang kalsada. At kung may kalsada, may kotseng pwede kong i-para at tumulong sa 'kin. Napasulyap akong muli sa 'king likuran, akala ko kung meron pa rin 'yung lalakeng humahabol sa 'kin pero... wala. Hindi ko siya nakita.

Agad akong nakaramdam ng paggaan ng aking loob. Akala ko ulit kung baka nalito ko na siya pero mali ako. Maling mali dahil sa saktong pagbalik ng tingin ko sa harapan ay tumama ako kaagad sa isang matigas na katawan.

"Ahh!" tili ko sa gulat. Halos nagwala na ako sa pagpupumiglas sa taong nasa harapan ko pero natigil lang ako nang maitulak ako sa puno. May kalakasan 'yon kaya napadaing pa ako.

"You're not going anywhere!" napataas-boses niyang sabi. Galit na galit talaga siya, makikita pa sa higpit ng hawak niya sa magkabilaan kong balikat. "Funfacts, Samara, I already claimed you, both body and soul. So even if you'd runaway, I could tract you by seconds and get you within a minute." Nakikita ko pa ang paglabas ng kaniyang mga pangil habang nagsasalita. It scared the hell out of me dahil natatakot akong baka kagatin niya ulit ako sa leeg.

"I... I'm s-sorry... " utal kong sabi. "P-please... 'wag mo 'kong saktan." Sa sinabi ko ay napansin ko ang paglambot konti ng kaniyang ekspresyon. Pero hindi pa rin nawawala ang masama niyang tingin sa 'kin. Napatili na lang akong muli nang hinawakan niya ang bewang ko sabay ipinatong ako sa kaniyang balikat.

"Ahhh! Ibaba mo ako!" sigaw ko nang binuhat niya ako na parang isang sako sabay nagsimulang maglakad. Parang umiikot lang ang aking paningin sa angle na meron ako. Pero kahit ganoon, nagawa ko pa ring gamitin ang aking mga kamao para pagpapaluin ang kaniyang likuran. But I know, it's nothing to him kaya napatigil na rin ako at pinanood na lamang na mawala sa paningin ko ang mga puno hanggang sa mapabalik na rin kami sa kuwarto kung saan ako ikinulong kanina. Ni-lock niya muna ang pinto bago na rin ako ibinagsak sa kama. Agad akong umupo paurong hanggang sa dumikit na ang aking likuran sa headboard ng kama habang siya naman ay tinignan ang kumot na nakatali sa isang paa ng kama at nailabas sa bintana. Tinanggal niya ito bago ulit ako tinignan nang masama. Napayakap ako sa 'king mga binti at napayuko para iwasan ang kaniyang mga mata. Feeling ko para akong may ginawang masama 'tapos nahuli lang ako ng magulang ko. Proud lang ako sa sarili ko at hindi pa ako umiiyak.

Narinig ko naman ang kaniyang malalim na pagbuntong-hininga bago ako nagulat nang mahila ang kaliwa kong paa paitaas kaya tuloy napahiga ulit ako sa kama. Akala ko kung baka may gagawin siya sa 'kin pero tinignan niya lang pala ang paa ko.

"You're bleeding, damn it!" sabi niya habang nakakunot ang noo. Doon ko lang natandaan ang mga pinagdaanan ng mga paa ko. Wala akong maramdaman ngayon, parang namamanhid lang ang mga ito. Sinunod niyang hinila ang isa ko pang paa at sa ekspresyon niya, mukhang hindi maganda ang kalagayan ng mga ito. Walang salita ay binuhat niya na naman ako pero in bridal style naman ngayon at pumasok kami sa banyo. Pinaupo niya ako sa takip ng toilet.

Werewolf Series #1: Hidden MateWhere stories live. Discover now