Chapter 15

169 7 0
                                    


Samara Torres

Batay sa sinag at init ng araw mukhang naka-six hours na matapos mag-start ng competition at hanggang ngayon ay hindi ako na-aalerto sa biglaang pagsugod ni Aiden. Hindi ko siya naamoy kaya siguradong nasa malayong lugar siya. Nagkaroon pa kami ng mini breaks ni Cass dahil sa pagod at mainit din kasi kaya nakakadagdag 'yon sa exhaustion namin. No'ng nakarating din kami sa river, hinayaan ko saglit si Cass na manghuli ng isda. Gutom na raw kasi siya. Then after no'n ay dinaanan naman namin ang daanan na puno ng mga bato. Halos kamuntikan na nga kaming madulas habang tumatalon do'n. Halos hindi ko na rin namalayan na dapit-hapon na pala. Kulay orange na ang langit sa itaas.

We can do this, Cass. Ilang oras na lang na takbuhan at makakarating na rin tayo sa kalsada.

"Fudge... pagod na 'ko. Gusto kong matulog..."

Konting tiis na lang please...

Nagpatuloy kaming tumakbo sa kagubatan until finally, namamataan ko na ang kalsada. Oh god, malapit na kami! Kung kanina ay ramdam ko ang pagod, ngayon naman ay parang ginanahan akong tumakbo. This is it! Sobrang kaba ko no'ng una dahil isang Alpha ang kalaban ko pero hindi naman pala ako ganoong mahihirapan. See, wala akong kahirap-hirap na nakarating dito. I was feeling happy na mananalo ako not until... naamoy ko ang isang pamilyar na amoy and before I realize it, may bigla na lang bumangga sa 'kin. Sa lakas ng impact ay parang umikot pa ang mundo ko pagkabagsak ko sa lupa. Pinilit ko kaagad ang maka-recover at bumangon kaagad.

Oh, hell.

Halos nanlaki ang aking mga mata nang makita si Aiden–in wolf form na nasa harap ko. No! Paano niya nalaman na dito ako pupunta?! Kinabahan na akong muli at nag-panic na. Kung kailan malapit na ako! Napaangil na lang ako at sinubukang makalusot sa kaniya pero mabilis lang siyang nakakaharang sa harapan ko.

Cass! Kaya mo bang makipaglaban?!

"Sorry, I don't know. Uhm, ang alam ko lang ay ang tumakbo na parang baliw gaya ng pinagpraktisan natin days ago?"

Sa mga oras na 'yon, napagtanto ko rin ang bagay na hindi ko inisip in these past days. Hindi ako nagpaturo kung paano makipaglaban sa ganitong anyo! Damn it. Puros pagtakbo lang nang mabilis ang iprinaktis namin ni Cass. Umigting ang aking panga sa inis.

Susubukan natin siyang pabagsakin...

"Huh? What?!"

Hindi naman siguro masama kung masusugatan siya 'di ba?

"No! Kapag ginawa mo 'yon, parang sinaktan mo na rin sarili mo!"

Exaggerated ka lang, Cass.

"Noooo!"

Hindi ko na pinakinggan pa ang iba niyang reklamo at sinugod kaagad si Aiden. Gamit ng ulo ko ay plano kong tamaan si Aiden sa katawan pero mukhang na-predict niya lang 'yon at umiwas kaagad. And I went straight to a tree kaya pareho kami ni Cass na napadaing. Umiikot ang mundo ko sa hilo at napasuray-suray pa ako ng tayo. Ang masama pa, hindi pa lang ako nakaka-recover do'n nang maramdaman ko ang matutulis na ngipin sa 'king leeg kasabay no'n ang pag-angat ko sa ere. WTH?! Halos magwala ako nang mapagtantong kagat-kagat na pala ako ni Aiden sa leeg. Not enough para sugatan ako pero sakto lang para hindi ako makawala. Para lang akong maliit na tuta na kagat-kagat ng isang malaking aso!

"We're doomed," sabi ni Cass.

No'ng nagsimulang maglakad si Aiden ay doon na ako mas nataranta pa at double effort na nagpumiglas pero ang naramdaman ko lang ay hapdi sa bandang leeg ko kung saan nakabaon ang ngipin ni Aiden. Napaangil siya kaagad sa 'kin as if sinasabing 'wag akong magalaw.

Werewolf Series #1: Hidden MateWhere stories live. Discover now