Chapter 16

452 10 0
                                    


Samara Torres

"Wala pa rin si Aiden?" tanong ko kay Andrei.

Napakati naman siya ng ulo. "Wala pa rin, e. Uhm... marami talaga siyang ginagawa sa company. Alam mo naman... magkabilaan ang transactions," sagot niya.

"Grabeh naman, pati umaga? Bago pa ata magtilaok 'yung mga manok sa labas, umalis na siya. Ang aga-aga lang 'tapos kapag gabi, sobrang late na umuwi na halos kahit anino niya 'di ko nakita!" inis kong sabi. Ilaw araw nang ganito na hindi ko siya nakikita. Sobra lang.

"Bakit? Miss mo na ba siya?" asar na tanong niya.

"Miss ng wolf ko!"

"Wow, baka naman miss mo rin?" sabat ni Cass.

Tumigil ka, isa ka nga riyang tanong nang tanong kung asan siya!

"Eh sa hindi ko siya nakikita."

Kaya nga nagtataka ako. Sobrang busy niya.

"Ewan ko sa kaniya. Workaholic kasi," sabi ni Andrei sabay napahalakhak as if nag-joke ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay kaya napatigil siya 'tapos ay napatikhim.

"Hindi ko akalaing mas importante pa pala ang trabaho niya kaysa sa 'kin?"

"Uhm, hindi naman sa gano'n, Luna—"

"Then what? Bakit palaging 'yon na lang inaatupag niya?" putol ko sa kaniya.

"Ah, eh—ah! 'yung niluluto ko!" bigla niyang pag-alala sabay mabilis na napatakbo paloob ng kusina at iniwan akong mag-isa.

"Bwiset siya sabihin mo!" sigaw ko sa kaniya 'tapos ay napabuntong-hininga. Kung busy si Aiden sa work, bakit hindi man lang siya maging considerate sa 'kin at kamustahin ako saglit? Ugh.

Another day came at natapos ulit ang umaga ko na hindi man lang siya nakikita. Of course, same reason. Nagtaka na ako mas lalo na't hindi na makatingin sa 'kin si Andrei nang diretso tuwing tinatanong ko siya.

"Ano ba talagang nangyayari? Sa tingin ko, may kailangan ka nang sabihin sa 'kin, Beta Andrei," pagdidiin ko sa kaniyang titulo. "At hindi ko kailangan ang kahit anong rason na connected sa company."

"Wala... busy talaga siya sa trabaho—

"Isa," banta ko sa kaniya na agad nagpataas ng kaniyang mga kamay sa ere as if sumusuko.

"Okay! Okay!" sabi niya at napatikhim bago muling nagsalita, "ayaw niya talagang magpakita sa 'yo..."

Napakunot ang aking noo. "Ayaw magpakita sa 'kin? At bakit?"

"Uhh, kasi iniisip niyang... ayaw mo muna siyang makita dahil... natalo ka sa competition."

"Huh?!"

"Kasi nga, 'di ba pinaglalaban mo 'yung kalayaan mo 'tapos nabigo ka... siyempre iniisip niyang disappointed ka gano'n," pag-explain niya. Marahas akong napabuga ng hangin sa sinabi niya. So, hindi pala dahil sa business kaya hindi siya nagpaparamdam, dahil 'yon sa 'kin.

Napatango-tango ako. "Okay... i-persuade mo siyang umuwi mamayang gabi. Wala akong pakielam kung anong gagawin mo, basta dapat makita ko siya mamayang gabi," utos ko.

"Hindi ko sigurado kung makakaya ko pero, masusunod."

Dumating ang gabi, habang abala ulit kami ni Andrei sa paglalaro sa living room ay bigla ko na lang na naamoy ang pamilyar na amoy ng cinnamon and it instantly gave me unexplainable feelings inside me.

"Ha! Malapit na kitang matalo!" sabi Andrei habang ang mga mata ay dikit na dikit sa T.V.

"5 meters," matigas na sabi ng isang boses mula sa likuran naming dalawa. It's Aiden. Sa isang iglap, biglang nawala si Andrei sa tabi ko at nakita ko na lang siya, 5 meters away from me. Napalingon ako kaagad kay Aiden na nakatayo malapit sa likuran ko.

Werewolf Series #1: Hidden MateNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ