Chapter 19

136 5 0
                                    


Samara Torres


Napapunas na ako ng mga luha gamit ng aking mga palad. “Hindi ah! Si Cass ‘yon… masyado kasing iyakin." Humiwalay na ako sa kaniya. Langya, 'di naman nabalian ng buto si Aiden. Ang exaggerated ng wolf na 'to. Napakunot naman ang noo ni Aiden na nakatingin na sa kabuuan ko 'tapos ay matalim din na napatingin sa paligid. Nagtaka ako kaya napalingon din ako sa paligid. Doon ko napansin na ang lahat ng lalake ay nasa iba na ang tingin.

Huh? Dahil lang sa naka-sports bra ako? Hindi naman ganoon kasama ah.

Tinanggal na ni Aiden ang kaniyang suot na grey shirt at ipinasuot sa 'kin kaagad pagkatapos ay hinawakan ang aking kamay sabay hinila ako.

"We're leaving," sabi niya na ikinakunot ng aking noo.

"What? Bakit?"

"I've made up my mind, today will be your day-off and we're going somewhere."

"Somewhere?"

Bumalik na nga kami sa bahay namin. Nagpalit ako ng damit, nagsuot ng simpleng off-shoulder blouse at jeans habang si Aiden ay grey V-neck shirt na nag-fit lang sa kaniyang matikas na pangangatawan at black pants. Okay na okay na nga ang kaniyang ilong, nag-heal na ito nang tuluyan. Pagkatapos naming makapagpalit ay nagtungo kami sa garahe para sumakay sa kotse niya. I thought we're going outside the territory pero matapos lang ng less than 10 minutes na drive ay tumigil kami sa isang building na hindi bababa sa limang palapag.

"Uhm, where are we?" takang tanong ko.

"In my office," tugon niya na nagpataas ng aking kilay. Office?Pumasok na rin kami sa loob kung saan may mga tao kaming nakasalamuha. Batay sa mga corporal attire nila ay halatang empleyado sila. Lahat din ay mukhang nagulat sa pagpapakita namin at agad nagsibati. I returned all their greetings naman habang si Aiden ay paminsan-minsang napapatango lang. Pumasok kami sa isang elevator at nagtungo sa 6th floor. Gaya nga ng inaasahan ko ay naroon ang opisina ni Aiden. Ang opisina niyang sinakop ang buong floor kaya napakalawak nito. May mga paintings pa sa mga pader, mga shelves na puno ng mga folders, at may mga office plants sa bawat sulok ng kuwarto. Napalapit na ako sa malalaking bintana kung saan natanaw ko kaagad ang mini city sa labas.

"Akala ko do'n lang sa may company ninyo ang opisina mo," sabi ko sabay bumalik ang tingin kay Aiden na umupo na sa kaniyang swivel chair.

"Nope. This is my main office. I went here often and... correction, our company," sabi niya. Stating that it's our company is not really good in my ears. Hindi kami kasal or whatever. Anyways, pinalagpas ko na lang 'yon.

"Teka, so parang dito ang punta mo everyday kaysa roon?"

"Yes... more of the time. I'll just go to the city for important transactions."
Napatango-tango na lang ako bilang tugon. Akala ko talaga sa city lang siya for business 'yon pala all this time malapit lang siya. Walang nagsabi sa 'kin. "Come here," biglang utos niya. 

"Bakit?"

"Just come here." Nagtataka man ako ay lumapit na lang ako. Langya, pinagtaka niya pa ako, 'yon pala hihilain niya lang ako paupo sa lap niya.

"Hey!" reklamo ko at tatayo na sana pero ang kamay niya sa bewang ko ang pumigil sa 'kin.

"Just stay. I have some paperworks to finish." Iyon at sinimulan na niyang galawin ang mga papeles do'n. Wow, so ang day-off ko ay ang pag-upo lang sa lap niya nang whole day? Ugh. Napairap na lang ako sa hangin 'tapos ay napatingin sa mga ginagawa niya. He's analyzing a graph at babasahin ko pa sana 'yon nang inilipat niya na 'yon sa next page. Mga encoded words 'yung sumunod at babasahin ko pa sana nang lumipat ulit sa iba. Seriously? Binabasa niya ba talaga o sadyang mabilis lang siyang magbasa? May mga sumunod pang mga charts pero hindi ko maintindihan dahil puros numbers ito. May mga proposals pa pero scanning lang ang ginawa ni Aiden then proceeded to another. Ang sakit lang sa ulo na tignan 'yung mga papaperworks na tinitignan niya. Hindi ko maintindihan dagdag pa 'yung katahimikan kaya nakaramdam na ako ng antok. I ended up leaning to his chest sabay napapikit ng mga mata and I drifted to sleep.

Werewolf Series #1: Hidden MateWhere stories live. Discover now