Chapter 5

255 11 0
                                    


Samara Torres

Hahawakan niya na sana ang aking pisngi nang bigla akong umatras palayo sa kaniya. Sa simpleng galaw ko na ‘yon ay nakita ko na nasaktan siya. Bigla na rin akong nakaramdam ng kung anong guilt sa loob ko.

No, kasalanan niya. Ang kapal ng loob niyang dikutin na lang ako rito from the party.

"I want to go home. Sigurado ring hinahanap na ako ro'n—"

"Stubborn aren't you?" putol niya sa 'kin. "Fine. I don't care." Iyon at pumikit siya ng ilang segundo bago na rin iminulat ang kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit niya 'yon ginawa pero makalipas lamang ng ilang saglit ay narinig ko lang ang pagsara ng kung anong pinto sa ibaba ng bahay bago bumukas na rin ang pinto sa kuwarto at lumoob ang dalawang tao. 'Yung parehong mga taong nakakita rin sa 'min sa party. Noong nakita ko si Ria ay doon ako nakaramdam ng konting pag-asa. Baka kung magmamakaawa lang ako sa kaniya, tutulungan niya akong makatakas.

“Andrei!" sabi ni Aiden.

"Yes, Alpha?" sagot kaagad nung lalakeng may curly hair at may mocha eyes.

Itinuro maman ni Aiden 'yung bintana. "Put that on bars," utos niya habang nasa akin pa rin ang paningin. "Ria!"

"Yes, Alpha?"

"Watch and guard the luna while I'm away." Napalingon na siya kay Ria. "Don't let her escape again. And... don't let her out of this house. She's not yet prepared to be seen."

Napatango kaagad si Ria. "Yes, Alpha." Naging masama na kaagad ang aking tingin kay Aiden. Talagang pinapabantay niya pa ako nang mabuti. Okay lang, kaya ko pa ring makalusot. Tinitigan pa ako ni Aiden ng ilan pang minuto bago na rin umalis.

Jerk.

Napansin ko namang nagpalitan pa ng mga tingin ang dalawang taong nasa harapan ko bago parehong lumapit sa 'kin.

"Ako na ang bahala rito, Luna," sabi sa 'kin ni Andrei at binigyan ako ng tipid na ngiti.

"At habang abala siya sa kuwartong ito, dadalhin muna kita sa library," dagdag naman ni Ria habang bahagyang nakayuko at hindi ako tinitignan sa mga mata.

Marahan na lang akong napatango. "Okay..." Ipinasuot niya naman muna ako ng tsinelas bago ko na rin sinundan siya palabas ng kuwarto at naglakad sa hallway. Hindi ko na pinalampas ang oras na 'yon upang mag-obserba sa paligid. Puros mga puting pinto lamang ang nakita ko sa floor na 'yon pero nang maglakad kami sa isang pataas na hagdanan papuntang 3rd floor, may malaking pinto na kaagad ang nakatayo sa tuktok nito. Nang makalapit kami ay pinihit ni Ria ang knob nito pabukas kaya doon na rin kami pumasok. Hindi ko maitatangging bahagya akong napamangha sa bumungad sa 'min. Isang malawak na library. Para lang itong isang city library sa rami ng libro at bookshelves, may pangalawa pang palapag, e. At kahit hindi nakabukas ang mga ilaw, ang mga naglalakihang bintana na ang nagbibigay ng liwanang sa paligid, making it cozy in the same time.

Magandang tumambay rito—kung hindi lang sa sitwasyon ko. Pagkasara ni Ria sa pinto ay agad ko siyang hinarap.

"Ria! Please... tulungan mo akong tumakas dito," pagmamakaawa ko habang magkadikit ang aking mga palad. But, she just shook her head directly. 

"I'm sorry, Luna. Hindi ko 'yan pwedeng gawin," sabi niya, ang kaniyang mga mata ay puno ng pagpapasensya. Parang doon ko lang din napansin ang kulay ng kaniyang mga mata, parang pareho lamang ito kay Andrei pero mas darker lang sa kaniya kaya parang mas normal na tignan.

"Samara ang pangalan ko!" inis ko nang sabi. Ilang beses ko nang naririnig ang word na Luna, kanina pa!

"Dahil sa ikaw ang naging mate ng isang Alpha, ikaw ang matatawag na Luna na magiging pangalawang leader ng pack," pag-explain niya, hindi na makatingin sa 'kin nang diretso. Leader ng pack?

Werewolf Series #1: Hidden MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon