Chapter 17

163 6 0
                                    


Samara Torres

After ng official acknowledgement ko as Luna, naghanda na kaagad ang lahat sa isang malaking celebration na magaganap dito rin sa labas. Ikinagulat ko rin nang nagsilapitan na sa 'kin ang mga tao at ipinakilala ang kani-kanilang mga sarili sa 'kin. I got overwhelmed sa rami nilang nakikipag-shakehands sa 'kin at siguradong hindi ko ma-me-memorize lahat ng mga pangalan nila. But then, napapangiti lang ako dahil naging friendly naman silang lahat sa 'kin. Lahat sila ay kitang kita ang pagka-excite sa 'kin as if isa akong sikat na artistang napadpad lang sa lugar nila. Si Aiden naman ay abalang kausap si Andrei kasama pa ng ibang mga kalalakihan like he was instructing them with something.

"Luna! Paano kayo nagkakilala ng Alpha?" tanong ng isang babae sa crowd. Oh god, sabi na nga ba't hindi ko ma-me-memorize ang name nila. Agad din namang na-curious ang iba pa at excited na hinintay ang aking sagot.

Sasabihin ko bang walang permisong minarkahan lang ako ni Aiden 'tapos ay biglang ipinunta rito? Siyempre hindi ko naman pwedeng sabihin ang mga 'yon kaya ngumiti ako.

"People meet in a magical way," tugon ko na lang. Agad silang na-disappoint sa sinabi ko pero mabuti na lang at hindi na nagpumilit pa. Marami pa silang naging tanong tulad ng kung anong kulay ng wolf ko, ilang taong gulang na ako, anong hobbies ko, mga typical questions lang ang mga tinatanong niya. Mabuti na lang at wala pang nagtatanong kung saan ako nanggaling.

"Anong pack po ba kayo nanggaling?" tanong ng isang lalake. Hindi, meron palang magtatanong. Ang malala pa, hindi ko alam kung anong isasagot.

"Uhh, ano—

"Okay! Tama na 'yan, papagurin niyo ang Luna sa maraming mga tanong ninyo," sabat ni Andrei. Saved by him. "Tsaka handa na ang mga pagkain. Let's go get ready." Nagkaroon pa ng mumunting reklamo ang iba pero nagsi-alisan na rin sila sa harapan ko.

"Salamat do'n," sabi ko sabay napahinga nang malalim.

"No problem. Nga pala ang ganda ng speech mo, manang mana sa Alpha." Agad na namilog ang aking mga mata sa sinabi niya.

"Ha?! Halata bang sa kaniya 'yon?!" gulat na sabi ko na nagpatawa sa kaniya.

"Hindi naman. Siguro kaming malapit lang sa kaniya 'yung talagang makakahalata. Alam mo naman kasi si Alpha, good at playing words. Kung mag-speech akala mo tatakbong presidente." Napatawa ako sa sinabi niya.

"You know... I think he dislikes you. Hilig ka niyang paalisin."

"Hindi naman sa gano'ng ayaw niya sa 'kin. Ngayon lang talagang meron ka kaya matalim tingin niya sa 'kin. Kilala nga naman ang mga Alpha sa pagiging mas possessive than sa other males. But... close friends talaga kami. Bata pa lang kami no'ng magkakasama na kami kasali si Ria." Sa sinabi niya ay bigla akong may na-realize.

"Nga pala, asan 'yung mga magulang ni Aiden?" tanong ko. Doon parang natigilan si Andrei, his expression became bitter as if may sinabi lang akong hindi maganda.

"Uhh... mas okay kung siya na lang ang tanungin mo," tugon niya at napakati ng batok. "Pero kung tatanungin mo 'yan, dapat kung nasa soooobrang good mood siya," dagdag niya na ikinatango ko na lang. I guess that's something... dark.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa malaking lamesahan kung saan mero'n ang mga handaan. Madilim na ang paligid pero hindi gano'n kagrabe dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilugang buwan.

"There you are," sabi ni Aiden nang makalapit na ako sa kaniya. "And Andrei, get away or I'll pull out your intestines."

"Yes, Alpha!" sabi kaagad ni Andrei at lumayas for the sake of his dear life. Friends, hindi halata ah.

Werewolf Series #1: Hidden MateWhere stories live. Discover now