Chapter 6

629 16 0
                                    

Samara Torres


Matapos na makababa kami sa isang hagdanan, nakita ko na kaagad ang rectangle na dinning table kung saan nakahanda na rin ang mga iba't ibang pagkain. Sa wakas ay ibinaba na ako ni Aiden no'ng makalapit kami ro'n. Umupo na siya sa isang upuan do'n habang ako ay nanatiling nakatayo lang.

Napahalukipkip na ako at tinignan siya nang blangko. "Hindi ako kakain—ah!" Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinila ang aking braso, hinawakan ang aking bewang at pinaupo kaagad sa kaniyang lap.

"If you don't eat, then feed me," sabi niya na ikinanganga ko.

Ano siya, bata?!

"Baliw!" sabi ko at astang tatayo pero ang kamay niya sa katawan ko ang pumigil sa 'kin.

"Stay still," sabi niya. Nanigas naman ako nang ibinaon niya ang kaniyang ulo sa aking leeg at inamoy ako. A-ano lang ba ang ginagawa niya?! "I missed you. I missed everything about you." Sa sinabi niya ay biglang kumabog nang malakas ang aking puso at nagsimulang mag-init ang aking mukha.

"K-kaagad?" utal kong sabi. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya.

"Hmm... yes. It's the pull of the bond and it became terrible when I marked you. Hindi ko kayang hindi ka nakikita kahit sa isang minuto lang." Nabasa ko 'yon sa libro, the mate bond. Dahil sa bagay na 'yon, kayang maramdaman ng isa't isa ang nararamdaman ng kanilang mate. I don't really feel anything na may kinalaman sa bond na 'yon. Hindi ko nga siya na-mi-miss.

Lumayo naman na siya sa 'kin. "If you can't feed me then just watch me eat." Napairap na lang ako sa hangin. As if namang susubuan ko talaga siya. Gaya nga ng sinabi niya, pinanood ko lang siyang kumain. Sana malunok niya pati kutsara. Letse lang.

Hindi ko alam kung ilang beses ko siyang sinumpa sa utak ko pero napatigil lang ako nang medyo naramdaman ko ang pagkalam ng aking tiyan, meaning gutom na ako. Hindi kasi ako masyadong kumain ng lunch. Ugh, buwiset kang tiyan.

"I heard that little roar, you know," sabi ni Aiden at tinignan ako na parang natatawa na ano.

"Ugh, shut up," sabi ko at napaiwas ng tingin, nahihiya na.

"Come on, Samara. Don't starve yourself." Hindi ko pa rin siya tinignan o nagsalita. "Alright, I'll give you everyday access to the library if you want."

Ayos din 'to, so plano niya talaga akong ikulong lang sa kuwarto gano'n?

"Access sa phone ko, baka pwede pa."

"It's a take it or leave it thing, Samara." Napangiwi na lang ako sa inis bago na rin napabuntong-hininga.

"Okay. Pero uupo ako sa upuan,"

"No. You won't," pagtanggi niya.

"'Di hindi ako kakain. Pakielam ko ba sa library? Mas mabuting mamatay na lang ako sa gutom."

"Samara," diin niya at tinignan na ako nang matalim. Dahil sa nabasa ko sa libro, which is hindi kaya ng mag-mate na saktan ang isa't isa, hindi na ako masyadong nasisindak sa kaniya.

"It's a take it or leave it thing, Alpha," panggagaya ko sa kaniya. Bigla naman siyang napaangil kasabay no'n ang pag-igting ng kaniyang panga. Oh god, hindi pala. Natatakot pa rin ako sa kaniya.

"Call me by my name!" napataas-boses niyang sabi.

"A-Aiden," sabi ko kaagad. That lessen the growl 'tapos ay tinignan niya pa ako ng ilang segundo bago na rin inilapit ulit ang kaniyang mukha sa 'king leeg at saka inamoy ulit ako.

Werewolf Series #1: Hidden MateWhere stories live. Discover now