Chapter 12

212 9 0
                                    


Samara Torres

Napangiti lang nang mawalak si Aiden sa sinabi ko. Sobrang saya niya as if iyon na ang pinaka good news na narinig niya sa buong buhay niya. Medyo napatili pa ako no'n nang buhatin niya lang ako sa ere na parang bata. Ang sabi niya pa ay ipapaalam niya raw iyon sa mga elders para mag-set ng araw kung kailan magaganap ang meeting. Nagdagdag pa siya ng konting kaalaman tungkol sa mga taong iyon.

Elders, para lang silang gobyerno na nagpapanatili ng kapayapaan sa mga packs ng werewolves. They gave rules, create rules, give punishments at karaniwan ng mga malalaking problema ay sila mismo ang gumagawa ng solusyon. More importantly, sila ang nag-a-acknowledge ng mga bagong Alpha at Luna. They are known to be wise when it comes to decision making kaya medyo kinakabahan ako.

"It's okay, my Luna. They won't hurt you," sabi ni Aiden habang pinapanood ko lang siyang maghugas ng plato. He had a lot of time ngayon, off niya kasi. Si Ian muna ang papalit sa kaniya sa business thingy. So that could only mean... makakasama ko si Aiden sa buong araw.

"No, it's not that thing... kinakabahan lang ako sasabihin nila," pag-amin ko. Kinakabahan pa rin ako kahit 'di naman ako ang haharap. Kainis. Napansin kong natigilan siya saglit sa sinabi ko. 

"Well, I'm not sure about that part." Natapos na rin siya sa paghuhugas at pinunasan na ang kaniyang mga kamay gamit ng towel bago lumapit sa 'kin. "They might be asking about personal things. Don't worry, they won't reject you." Hinawakan na niya ang aking braso.

"Come, let's go out," dagdag niya sabay hatak sa 'kin papuntang front door.

"H-huh? Saan tayo pupunta?"

"You'll see."

Pagkatapos no'n ay lumabas na kami sa bahay. Agad na bumungad kaagad sa 'kin ang malakas na hangin na tumama sa 'king mukha. We're finally out. Parang ang tagal na no'ng huli kong labas. But then nagtaka naman ako nang umupo sa harapan ko si Aiden.

"Ride on my back. We're going double time," sabi niya. Piggyback ride? Sinunod ko na lang siya. Kumapit ako sa kaniyang leeg habang siya ay hinawakan ang magkabila kong binti. "Hold on tight." Iyon at dumiretso na kami paloob ng kagubatan. Halos manlaki lang ang aking mga mata sa bilis niyang tumakbo. Para akong nakasakay sa isang mabilis na sasakyan. Dahilan kaya mapakapit nga ako nang maigi sa leeg ni Aiden.

"N-nakakatakot!" sabi ko na naging dahilan naman ng paghigpit pa konti ng hawak niya sa 'king mga binti. I... just hope hindi ko siya nasasakal.

For about 10 minutes, naramdaman ko na lang ang pagbagal ng takbo ni Aiden hanggang sa tuluyan na kaming tumigil. Bumaba na ako sa likuran niya with my mouth wide open. Paano ba naman, ang ganda lang ng paligid. Ang katawan at sanga ng mga malalaking puno ay napuno ng mga lumot. Hindi lang 'yon, puno ang lupa ng iba't ibang bulaklak. It was enchanting. Para lang akong nasa ibang mundo.

"Woah..." tangi ko lang na nasambit.
Hindi na ako naghintay pa at agad na tumakbo papunta sa mga bulaklak. Sag-isa ko na tinignan ang mga bulaklak. Dahlia... Calla lily... Carnation... Aster... Oh god! Ang gaganda! Hindi ako makapaniwalang may ganitong lugar! Pumitas pa ako ng ilan hanggang sa naging isang bouquet of flowers na ang nasa kamay ko. Ilalagay ko 'to sa isang vase. Ganoon lang ako nang napatigil din dahil sa tunog ng pag-click ng parang isang camera. Agad na napalingon ako sa direksyon ni Aiden. May hawak na pala siyang isang phone at paniguradong kinukuhanan niya ako ng litrato! Agad na nag-init ang aking mukha sabay takip ng mukha dahil sa hiya. Oh god, dapat sa harap ng camera ay handa ako. Ayaw ko ng stolen shot!

"B-bakit mo 'ko kinukuhanan ng litrato?!"

"Because the view is so beautiful," sagot niya bago ibinulsa na rin ang kaniyang phone. Sunod ay naglakad na siya palapit sa 'kin. "Did you like it?" tanong niya. Napalingon akong muli sa paligid 'tapos ay bahagyang napatango.

Werewolf Series #1: Hidden MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon