Chapter 28

134 5 0
                                    


Samara Torres

Kasabay ng pagkasabi ni Aiden no'n ay biglang pagtama ng isang dagger sa paa ni Seth. It was from somewhere from the trees pero hindi ko na 'yon inalam pa dahil nakatingin lang ako sa paa ni Seth. Hinugot na nito ang dagger na nakabaon sa kaniyang hita at doon nagsilabasan ang dugo. That gave me an unwanted reaction of... worry. Unconsiously, biglang gumalaw na lang ang aking katawan, parang gusto ko itong puntahan pero hindi 'yon natuloy nang bigla akong mas inilapit ni Aiden sa kaniyang katawan.

"What are you trying to do?" matalim niyang tanong sa 'kin. Mukhang nahulaan niya ang dapat ko sanang gawin. Sasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Andrei mula sa likuran namin.

"Alpha! Kailangan na nating umalis!" sigaw nito. Dahil do'n ay nabaling na ang tingin ni Aiden sa harapan namin, specifically kay Seth na tinignan niya nang matalim.

"I'll be back to kill all of you."

Matapos no'n ay tumalikod na siya at tumakbo papunta sa mga puno habang buhat-buhat pa rin ako. From his back ay nakita ko pa kung paano kami habulin ng ilang members ng Midnight pack. Nakita ko pa si Sarah na hawak ang voodoo doll na hawig ko, may kung anong ginagawa siya ro'n and I thought baka mawawalan na naman ako ng kontrol sa 'king katawan pero walang nangyari. Biglang napakunot na lamang ng noo ang witch, halatang may mali sa voodoo doll niya.

Napakapit ako nang mahigpit sa leeg ni Aiden nang mas bumilis pa siya sa pagtakbo kaya mas humahaba ang distansya namin sa mga kalaban. Nakita ko pa kung paano biglang humarang sa harapan nila ang tatlong werewolves at kinalaban ang mga 'to. Ang mga pack warriors ng Red Lunar pack.

"We're out of the territory. Burn everything then retreat."

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Aiden mula sa pack link.

"Yes, Alpha!"

Kaya ko nang makakunekta sa pack link! This means natanggal na ang spell ni Sarah sa akin. Doon na lumuwag ang aking paghinga. While running, nakarinig kami ng malakas na alulong galing sa 'ming likuran. It was loud at mukhang puno ng galit. Hindi ko na kailangang manghula pa kung sino 'yon.

Seth...

Little by little ay may mga nagpapakita at sumusunod na sa 'ming mga werewolves. Mga kakampi namin. We kept on running for a long time at halos hindi ko na rin nagawang panatilihing nakabukas ang aking mga mata. I ended up drifting to sleep habang nasa mga bisig ni Aiden. Iyon ang masasabi kong pinakamasarap na tulog ko kaysa nitong mga nakaraang araw. Then I woke up, nasa kama na ako and I'm in a familiar place. Ang kuwarto ko sa bahay namin ni Aiden. Unti-unti na akong napabangon na ako saka napadungaw sa bintana. Dapit-hapon na pala.

I'm home.

Though nasa pulang dress pa rin ako na ipinasuot nila Seth sa 'kin.
Napatigil ako kaagad nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas doon si Aiden and our eyes instantly met. Hindi ko in-expect ang kaniyang expression, it's void of emotion kaya hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin. My insides were tingling with excitement dahil 'di ko siya nakita nang ilang araw. Well, jumping into his arms doesn't feel appropriate for this time. Langyang mate bond.

Imbis na magsalita na lang, pinagmasdan ko na lamang ang kaniyang mukha. Okay naman lahat except those dark circles around his eyes. Ano 'yon, na-black eye ba siya?

Agad akong napabalik sa realidad nang magsalita siya. "What happened while you're at their place?" tanong niya na 'di ko kaagad nasagot. Nalipat na lamang ang aking paningin sa aking mga nilalarong mga darili. I wasn't able to talk for the first ten seconds.

Werewolf Series #1: Hidden MateWhere stories live. Discover now