Chapter 8

233 9 0
                                    


Samara Torres

Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng paggalaw sa 'king harapan kaya inis akong napaungol at niyakap nang mahigpit ang aking unan.

"Samara..." rinig kong malumanay na sabi ng isang boses. Bahagya akong napangiti dahil dito. Ang ganda lang no'ng boses sa tainga ko parang isang magandang kanta. "I can't breathe... with your hug." Doon na ako agad na napamulat ng mga mata at napabitaw sa inakala kong unan. Oh god, si Aiden pala 'yon. Agad naman na siyang napahinga nang malalim.

"I like that but it's a lame to die in that way," dagdag niya 'tapos ay napangisi na. "How about it's my turn to hug you?" Sira-ulo. Napaikot na lang ako ng mga mata at napaupo na. Umaga na pala. Sabi ko lalayo rin ako sa lalakeng 'to kapag nakatulog na siya kagabinpero mukhang natulugan din ako. Langya at nakayakap pa ako sa kaniya.

"Umalis ka na rito, ayaw na kitang makita," irita kong sabi pero nagsisi rin ako. "I mean, maliligo pa ako kaya umalis ka rito," bawi ko kaagad.

Bahagyang napaupo naman siya, ang dalawa niyang siko ay sumusuporta sa kalahati ng kaniyang katawan. "We can take a bath together," parangkang sabi niya na agad nagpanganga sa 'kin. "I mean bathing like scrubbing each other's back?"

As if!

Nginitian ko siya, pero 'yung inis na ngiti. "How about this, Alpha Aiden, you'll scrub your own back. In that way, you'd still walk in the surface of the earth for the next years." Pesteng lalake. Inirapan ko na siya sabay pumasok na sa banyo. Pero mukhang hindi niya alam ang banta dahil nagpahabol pa siya.

"Then how about washing each other's hair?"

Baliw na lalake.

Anyways, sabay pa rin naman kami ni Aiden na kumain. Siya rin ang nagluto ng breakfast namin. Ang loko, ngiting ngiti lang as if nanalo lang sa lotto. Parang sira. Matapos no'n ay pinanood ko lang siyang i-ayos ang kaniyang necktie. Naka-white dress shirt lang siya ngayon, pants sa ibaba na naipares sa black polished shoes. Napatingin naman ako sa briefcase niyang nakalagay sa gilid at walang kung ano ay kinuha 'yon saka inabot sa kaniya. Napangiti siya sa ginawa ko at sa mabilis na galawan ay ninakawan niya ako ng halik sa labi. Sa gulat ay napaatras ako sabay napahawak sa 'king mga labi habang nag-iinit na ang aking mukha.

"B-b-bakit mo 'ko hinalikan?!" gulat na tanong ko.

Napakibit-balikat siya. "That's my way of saying thank you," sabi niya at walang hiyang napatitig pa sa 'king mga labi. "Can I get a goodbye kiss?"

"Mukha mo!" Astang tatalikuran ko na sana siya nang sakto namang bumukas ang pinto ng bahay sabay pumasok ang isang lalake. Nakilala ko kaagad siya. 'Yung lalakeng pumunta sa flower shop na pinagtatrabahuan ko noon.

"Nice timing, Ian. Take care of her," utos ni Aiden. Ian? 'Yung mate ni Ria?! Napatingin akong muli sa lalake. Nakasuot ito ng simpleng white shirt, blue jeans at white sneakers. Ang nakakapansin ay ang brown curly hair niya pero kung tatansain ko, baka mga nasa age ko lang siya.

Napatango naman ito. "Yes, alpha," sagot niya bago natuon sa 'kin ang kulay tsokolate nitong mga mata. Nginitian niya pa ako bago lumapit. "Nice to meet you, luna. Ako nga po pala si Gamma Ian," napayuko niyang bati.

"Ah, uh, nice to meet you... Ian," sabi ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.

"I'll be leaving now, see you later Samara," paalam ni Aiden bago na rin umalis.

"So... asan niyo gustong pumunta?" tanong ni Ian.

"Kung saan may mga buildings at hindi puno?" Bahagya siyang napatawa sa sinabi ko as if nagpatawa lang ako.

Werewolf Series #1: Hidden MateOnde histórias criam vida. Descubra agora