•Chapter 8•

8 1 0
                                    

Kiss Broken Hearts Goodbye written by fabulousqueenangel

|Chapter 8|

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Malapit na ang exams at gusto ko nang mamatay! Di joke lang. Sobra naman akong nega for today. Mahalaga sa akin ang oras na inilalaan ko para sa mga bagay na ito kaya dapat focus! Kahit gaano ka busy, di ko dapat pinapabayaan ang lahat dahil responsibilidad ko sila.

Gusto ko nang ihampas sa ulo ko itong librong nasa harap ko. Malakas parin ang ulan at parang ayaw tumila. Wut is dis layp for? Ha? Ano daw? Super duper sarap manapak ng tao ngayon. Ang bessy ko. Ang mamamamhieee kong Jefferson. Ang weird pero namimiss ko yung bardagulan namin sa Messenger. Ang saya niya kausap.

Naalala ko naman yung nangyari kahapon. Para akong bobita! Sobra akong nahiya sa ginawa ko sa kanya. Hinintay ko kagabi yung chat niya eh wala eh. Parang di buo yung araw ko kapag di ko siya nakakausap.

"Problema ba talaga na hindi kita makausap! Bwiset kang Manok ka!" sabi ko. Hinagis ko nalang ying phone sa higaan ko. Syempre, hindi ko keri na itapom sa sahig. Like Duh!

Mahalaga para sa akin ang friendship namin so napaka weird na hindi kami mag-chat. Sila na kaya ni ate Girl? Ni Amirah? Wala naman akong KARAPATAN kasi di namin kami mag-on diba? This is weird kaya. Bakit na feel ko yung selos na ito.

"I think mas better nalang na mag focus sa ibang bagay! Huhu, Jada, isipin mo yung lessons mo at si......... Robert." Tama, si Robert nalang para hindi ako masyadong masaktan. Pipilitin ko nalang na sa iba nalang mabaling yung atensyon ko kaysa masaktan pa ako sa mga nangyayari. Kung wala namang patutunguhan yun. Kung hanggang kaibigan lang kami, hanggang doon lang iyon. Hindi ako pwedeng magpaloko sa nararamdaman ko dahil hindi tama iyon.

"Jada, buksan mo itong pinto, anak." Tawag sa akin ni Nanay. Agad naman akong napatingin sa bintana, umuulan na parin pala, hindi ko namalayan. Tumayo nalang ako para pagbuksan si Nanay.

"Nay, bakit po?" Tanong ko. Sinalubong naman ako ng matamis na ngiti ni Nanay. Hahahah, di ko alam pero bakit parang ang weird ngayon ni Mader Dearest hahahahah.

"Nage-emote ka naman diyan. O heto, may kape akong dala, alam ko kasing paborito mong magkape tuwing umuulan" Agad naman akong ngumiti. Iba talaga si Nanay ko! Hahahah, alam niya talaga kung anong nakakapagpasaya sa akin.

"Anong problema? Bakit ang tahimik mo ngayon at noong mga nakaraang araw?" Tanong niya sa akin. Sa totoo lang, talagang nagbago nga iyong awra at kilos ko, feel ko parang ang bigat ng pakiramdam ko. Parang ang lungkot lang ng lahat. Hindi ako natutuwa eh.

"Nay, bakit ganoon? Bakit parang nasanay kana sa isang tao, sa mga bagay na nangyayari between sa inyo,kapag parang tapos na, bakit masakit? Tapos bakit parang nangungulila kana?"

" Dahil siguro na, tinatak mo sa puso't isip mo na, masaya ka tuwing nakakausap mo siya o ginagawa niyo yung mga bagay na pinagkakasunduan niyo. Alam ng puso mo na ang taong iyon, iba at espesyal para sayo." Halaa hahahahah. Grabe naman! Bakit parang naka smell ng samting pishy si Nanay?? Omgggg!

" Nay? Ano pong ibig niyong sabihin?" Ayusin mo ang pagpapanggap Jada! Huhu, dapat walang hint na malaman si Mader Dearest!! Ang lalim ng Tagalog ahh! Iba din!

"Masakit umibig sa isang kaibigan lang. Jada, anak, alam ko na wala akong karapatang manghimasok sa lablayp lablayp mo, pero naranasan ko rin iyan,kaya wag kang mahiyang sabihin sa akin."
"Nay ano ba ang ta-"

" Pigilan mo at huwag mong gawin ang hindi dapat Jada, kung ayaw mong masaktan."
Napatingin ako kay Nanay. Grabe na talaga siya! Imbis kasi na ang ganda nong talkness namin tapos, sasabihin niya yun?? Halaaaaa! Hindi ko na keri si Mader.

Kiss Broken Hearts Goodbye (COMPLETED)Where stories live. Discover now