•Chapter 9•

2 0 0
                                    

Kiss Broken Hearts Goodbye written by fabulousqueenangel

|Chapter 9|

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"Oh, ano? Masakit ba? HAHAHHAHAH iyan kasi, nag-assume!" Pang-aasar sa akin ni Charmee. Hindi malinaw sa akin kung bakit naging kaibigan ko pa 'to kasi minsan gatungera ng pagiging delulu ko, minsan tagasira rin ng ARAW ko!! Arghh!!!

"Aba grabe kana sa akin ah! Inaano ka ba? Nandito ako para ma-share sayo yung nangyari tapos gaganyanin mo ako! Grabe kana talaga!" sumbat ko sa kanya. Inirapan lang ako ng bichosa! Hayss. Gusto ko lang mag-open up!

"Pero yung tapang nung babaeng iyon para sabihin sayo na sila na ni Jefferson hindi ma-underestimate. Tsaka normal lang naman na sabihin niya sayo kasi bestfriend ka ni boy, ano nga ulit? Bestfriend? Lang?" Isa nalanng talaga, masasampal ko na 'tong babaeng to! Tiningnan ko na lang siya mng masama. Aba eh, seryosong nakikipag-usap yung tao, ginaganyan na. Nakakainis. 

"Beh, alam mo, hindi mo dapat maramdaman iyang ultra hurtness to the max kasi hindi mo deserve. Tsaka take note, wala silang alam. Wala silang nalalaman tungkol sa nararamdaman mo para kay Jefferson kaya manahimik ka nalang."

"Nanahimik ako. Tsaka hindi big deal para sa akin to, diba? Dapat hindi eh! Ano kasi eh, uhm. Nangyari lang to kasi pinilit ko na ma divert yung attention ko kay Manok." sabi ko sa kanya. Yes, feel ko deserve naman ni Charmee na malaman ang totoong dahilan ng lahat ng ito. Para naman makaramdam ako ng peace of mind.

"Ma-divert? Luh?? Anong ibig mong sabihin? " Naging seryoso na kaagad ang mukha niya. Oh ito na nga iyong sinasabi ko eh!!!

"Kasi nga inaamin ko, mahal ko na si Robert. Siya iyong first love at greatest love ko! Promise! Pero pinilit kong huwag ma-fall sa kanya pero di ako nagtagumpay. Ayokong malaman niya lahat. Ayokong masira iyong friendship namin. Mas better na mag-admiring from afar nalang ako sa kanya." sabi ko kay Charmee. Mukhang nanghinayang siya sa mga narinig niya sa akin, iyon naman ang totoo. Mahal na mahal ko na si Robert dahil para sa akin, siya na. Pero ano pa bang magagawa ko, hindi na kami nag-uusap at magka-close sa ngayon. Matapos nung nangyari, naging cold na kami sa isa't isa. Iba na rin ang mga kasama niya. Parang may wall between us na hindi ko alam kung saan nabuo. Sobra akong nasasaktan dahil doon.

"Kaya noong mga panahon na sobra akong nasaktan kay Robert, si Jefferson ang naging sandalan ko. Alam niya lahat, alam niya. At nasasaktan siya para sa akin. Mula noon, pinaramdam na niya sa akin na wala akong dapat na ikatakot sa mangyayari sa amin ni Robert dahil ang feelings ko ay valid at normal lang.

Walang alam si Robert sa pagtingin ko sa kanya, naitago ko ito ng maayos sa kanya pero nagulat nalang ako, naging ganito na ang kinahinatnan naming dalawa." naiyak na lamang ako sa mga nasabi ko kay Charmee. Maging siya ay naging malungkot sa nangyari sa akin.

"Kaya dahil sa nga pinakita ni Jeff, sa pagiging caring at pag-intindi niya sayo, natutunan mo siyang mahalin. Sa madaling salita, dahil kay Jefferson, nakalimutan mo na minsan mong minahal si Robert. Tama ba ako, Jada?" tanong ni Charmee sa akin. Napatango na lamang ako dahil iyon naman ang totoo. Hindi ko kayang magsinungaling dahil ito naman ang totoong nararamdaman ko. 

"Hanggang saan mo kayang itago ang lahat ng iyan, Jada? Hanggang kailan kang mananatiling ganyan?"

~Heto na naman
Sulyap ng 'yong mata
Na nagsasabing, ika'y nag-iisa
Pinilit kong sabihin
Ngunit di ko magawa
Na magsabing gusto kita~

Hanggang kailan nga ba? Hanggang kailan ko nga ba itatago ang lahat ng ito?? Pero wala namang kasiguraduhan kung ang pag-ibig kong ito ay mapagbibigyan ba?

Kiss Broken Hearts Goodbye (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt