•Chapter 5•

27 3 17
                                    

Kiss Broken Hearts Goodbye written by fabulousqueenangel

|Chapter 5|

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Yikes, lumalakas kana kay Robert ha. Grabe ka Day. Akala ko nga bakla yun eh. Uyy tulala ka?" sabi ni Charmee. Hala, makasabi siya ng bakla kay Robert ha, sobra. Pero hindi kaya siya Gay, basta ano. Basta lang.

"Hehe. Uyy, pogi kaya yung cousin mo, at Bessy, Briton pala yun?"

Napatingin naman sa akin si Charmee ng seryoso pero agad namang napalitan suspicious yung mukha niya. 😏 yan ganyan.

"Oo, Briton siya. Bakit? Ahhh, alam ko na. Kasi diba yung cover photo mo sa FB is Keep Calm and Marry a British Guy. Uyy! Wag mong sabihing-"

"Wala no. Talagang mabait si Robert, at walang kinalaman yun dahil hindi ko naman siya type. Si JRT yung forever ko o kaya naman si LJG nalang sa Korea." palusot ko. Naks naman nakita niya yun? Eh hindi naman kasi naka public yung pic ko.

"LJG? Bago naman? Aba ilan pa ba kasi?"

"Madami pa. At J na naman."

Inirapan lang ako ng baliw. Ginawa ko din ulit. Nag-irapan kaming dalawa. Kagigil kasi eh. At ayoko siyang bigyan ng hint na, may pagtingin ako kay Robert. Kasi baka naman, sabihin niya kay Robert yung feelings ko. At kung kailangan kong itago yun kahit kailan gagawin ko. Ayokong maging obvious sa kaniya. Takot akong masira yung nabubuo palang naming pagkakaibigan. Mahalaga rin siya sa akin, si Charmee at Jefferson.

Speaking of Manok, nakita ko siyang naglakad papunta sa clinic at parang masama yung awra niya ngayon. Sinundan ko lang siya ng tingin, parang namumutla siya.

"Charms, gora na me. May puntahan lang. Kitakits nalang tayo sa may Gym ha. Love you" paalam ko kay Charmee. Tumango lang siya. Busy kasi sa Wattpad.

Agad na akong tumakbo papunta sa clinic. Pumasok ako and you know nakiramdam muna. Sa mukha niya kasi parang nahihirapan siyang gumalaw, naaawa ako ha. 😌 (yan. Mixed awa at saya. Char.) Hanggang sa narinig ko yung boses ng isang babae at isang lalaki. Nagtago muna ako sa may pintuan at nakinig #certifiedchismosang2017

"Siguradong ayos kalang Son? Nag-aalala ako sayo eh." Wat da men, who's this girl?

"Ayos lang ako. Naulanan lang. Salamat Amirah ha. Tama ka, need ko nang magpatingin. Kanina pa ito sa room eh."

"Bakit mo kasi tiniis? Huwag ulitin yan ha."

"Pangako"

Napadungaw ako ng kunti sa pinto, takang-taka ako sa narinig ko. And wait, sino tong girl? Hindi ko siya kilala. Pero parang same lang rin kami ng edad. Maganda, maputi at para siyang model. Di ko makita yung mukha pero, sa tingin maganda siya. Binaling ko naman yung mga mata ko kay Jefferson, lecheng lalaking to, kaya naman pala hindi siya makapag-focus kanina kasi masama yung pakiramdam. But, yung tingin niya kay Ate Gurl, parang iba. Titingin siya tapos ngingiti. Then, hinawakan siya ni Gurl sa mukha

"Kaya ako nandito, para sa iyo. Magkasama tayo kahit saan at kahit kailan. Pangako yan."

~Drew looks at me, I fake a smile so he won't see
That I want and I'm needing everything that we should be
I'll bet she's beautiful, that girl he talks about
And she's got everything that I have to live without~

Patuloy lang ako sa pagsubaybay sa kanila. Sa tingin ko magkakilala na sila ng matagal nung Gurl na ang name ay Amirah. Yung ngiti at mukha ni Jefferson, ibang-iba sa seryoso at walang kwenta kung kausapin. Para kasing nawala yung sakit na nararamdaman niya sa kinikilos niya eh. Nagtatawanan lang sila na parang okay na siya. Tanging si Amirah lang pala yung makakapag-pangiti sa kanya.

Kiss Broken Hearts Goodbye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon