•Chapter 14•

5 0 0
                                    

Kiss Broken Hearts Goodbye by fabulousqueenangel

|Chapter 14|

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

(goodluck, hahahahaha. Intense moments.)

"Hey, Jada?" Bigla akong bumalik sa reality na after ng pag-imagine ko ng mga walang kuwentang bagay, nandito pa rin ako sa sasakyan niya.

Btw, letter D, pinili ko. Para tapos na.

"Uhm, Robert. Masaya ako. Sa ano, sa confession mo. Pero kasi ano eh."

"What? If you don't feel the same way, it's fine. Okay lang-"

"I felt the same way as the way you do too. Mahal din kita. Simula noong, n-noong nagkita tayo, nakilala kita. Alam kong hindi dapat pero mahal kita eh, minahal kita nang sobrang tagal. Pero Robert, sorry. "

" I know. And I'm glad na pareho tayo ng nararamdaman. We love each other. That's what I want to know and believe me, I'll love you more and more. Just be with me. "

" Sorry, kasi hindi pwede. " Naiiyak ako. Gaiss, help huhuuu. Bakas na rin sa mukha niya nag pagtataka.

" What do you mean na hindi pwede? Jada, clear naman sayo at sa akin na mahal natin ang isa't isa, but why can't we-"

"Because I'm leaving! Aalis ako Robert! I'm leaving tomorrow. K-kaya ako pumunta kay Charmee kasi magpapaalam ako sa kanya. And at the same time, you're there, at wala akong choice." Nakita kong naluluha na rin siya. Alam kong nasasaktan siya nang sobra-sobra pero mas doble sa akin dahil kung may choice ako, ayokong umalis. Ayoko.

"Then why? Bakit gusto mong umalis? Why? Bakit mo ako iiwan?" Jusko, he's crying and this is the first time na nakita ko siyang umiyak.

"Dahil may mga pangarap ako, gusto ko mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko, at ito iyong pagkakataon na iyon Robert. At malinaw sa akin na, dahil lamang sa'yo, sabihin ko na ha, isusuko ang lahat. Wala akong choice. "

" I want you to stay, I want you to be with me. But-"

" This is not the right time. I can love you as much as I could pero, hindi ito ang tamang pagkakataon."

" J-jada, please stay. I love you. "

" I love you's are not enough for me to stay with you. Robert, ito nalang ang pagkakataong piliin ko naman ang pangarap at sarili ko. Ito lang iyong pagkakataong mararanasan kong piliin iyong gusto ko. "

Puro hagulhol lang ang maririnig sa loob ng sasakyan niya. Pilit king inalapit ang sarili ki para yakapin siya. Masakit para sa akin, sobra. Ayokong iwan siya, ayokon matapos ang lahat lalo pa't alam kong mahal niya ako. Mahal ko rin siya.

" Please stay with me. Jada. Please"

" Pangako, babalik ako. Babalikan kita. "

~Tumingin ka sa aking mga mata at
Hindi mo na kailangan pang
Magtanong ng paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig at
Kung di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso't maniwala na
Ikaw lang ang siyang inibig
Ikaw lang ang iibigin~

Pagkalipas ng halos isang oras na byahe namin, natapos na rin. Sobrang pagod na akong umiyak nang umiyak. Halos hindi na ako makagalaw dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko.

"Tahan na, Jada. Ayos lang." Napatingin ako sa kanya at hinalikan niya ang kamay ko. Hindi ko kayang gawin sa kanya ito.

"Robert, I'm sorry." Hinalikan niya na lamang ako sa noo.

Kiss Broken Hearts Goodbye (COMPLETED)Where stories live. Discover now