•Chapter 11•

2 0 0
                                    

Kiss Broken Hearts Goodbye written by fabulousqueenangel

|Chapter 11|

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Good morning, Philippines!! Mabuhay. Wala lang. Ito lang. Nakatunganga. Nagkakape. AHHAHAHAHA. Tinamad akong gumising. Tinamad akong pumasok. Cheka! Walang class ngayon so better. Hayss. Ito po nag-ooverthink. Hindi pa rin kasi mawala sa utak ko iyong usapan namin ni Robert kahapon. Lecheng buhay. Hindi ako makatulog. Pero bakit ba?? Big deal ba iyon?? Ba't parang sa akin, oo. Haysss. Ayoko na. Kapagod na ah.

Malapit naman nang matapos tong college life ko, saka pa ako na-inlove sa lecheng lalaking iyon. Nakakabweset ah. Mabuti pa talaga, tapusin na natin ito. Divert ko nalang itong attention ko sa mga school works, tsaka sa mga plans ko. Hala, oo nga pala, check ko muna iyong email ko baka na send na kasi ni Tita iyong schedule tsaka ticket ko paalis..........

Yes po, right after our graduation, aalis na po ako. Pupunta na po ako ng Maynila. Doon ko na ipagpapatuloy iyong mga dreams ko. Maraming opportunities na mayroon doon. At, excited na rin ako pumunta doon.

Pamilya at pangarap muna ang magiging priorities ko. Pero, hindi naman sa point na, puro sila ang nasa isip ko, may oras pa rin ako para sa sarili ko. RAISING WHITE FLAG muna tayo. Ok lang iyan, masaya ako sa magiging buhay nina Jefferson and Robert. Magandang buhay din ang naghihintay sa kanila, napakabuti nilang dalawa. Deserve nila ang mga bagay.

Minsan, kailangan talaga nating iwan o i-let go ang mga bagay. Masakit at mahirap man, kung ito ang tanging paraan upang makausad ay kailangan nating gawin. Tinatanaw ko ang karendirya namin, matumal man ang bentahan pero nagpapatuloy pa rin sina Nanay at Tatay dahil ito raw ang gusto nila at mahal  nila ang ginagawa nila.

July 15, 2024, 10:00am.

6 months nalang. Kaya, susulitin ko na ang mga nalalabing panahon sa lugar na ito. Masakit man para sa akin na iwan sina Nanay, Tatay, si Kuya at ang kapatid ko, wala pa rin akong magagawa. Hangad ko na magkaroon ng maayos na buhay ang pamilya ko.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Yoko na sis, pagod na ako." sabi ni Charmee. Talagang ngayon pa siya magrereklamo kung saan malapit nang matapos itong college life namin. Ngayon pa siya nakaramdam ng pagod ah.

"Leche ka, ba't ngayon kalang nakaramdam ng pagod?"

"Eh, oo naman. Super lunod na kaya tayo sa mga assignments tsaka mga outputs, sabay-sabay pa deadline!"

"Eh ano naman, nakaka-enjoy nga eh."

"Ha?? Anong enjoy? Happy ka pa sa lagay na ito? Grabe ka sis, andami mo nang ginagawa, wala ka na ngang time mag hang out with Jeff, Amirah tsaka Robert oh. Nagyaya na kaya sila na magkita-kita tayo para may kaunting break lang." Natahimik nalang ako bigla. Yes, hindi na ako sumasama sa mga gimik namin. Wala na kasi akong gana pang magliwaliw dahil na-divert na iyong attention ko sa mga ginagawa ko. Tsaka, wala naman akong mapapala doon. Mas mabuti nalang na igugol ko sa pag-aaral itong oras ko kaysa ipasyal sa kung saan. Tinatamad akong mag-socialize. At ayoko ko talaga. Ayoko nang magkaroon pa ng mga memories kasama sila. Panget man para sa iba, sa akin okay lang. Ayokong maa-attach pa lalo. Para madali para sa akin na iwan sila.

"Charmee, kaya mo iyan Huwag kang susuko ah!! Kaya natin to."

"Aba oo naman. Ikaw kaya lodi ko kasi super hands on mo sa acads. Go for it, girl"

Salamat. Salamat dahil laging naandyan si Charmee sa aking tabi mula noon hanggang ngayon. Supporitve at sweet, delulu minsan pero ok lang. Love ko parin siya. Hinding-hindi ko siya makakalimutan.

Kiss Broken Hearts Goodbye (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن