•Chapter 6•

27 2 2
                                    

Kiss Broken Hearts Goodbye written by fabulousqueenangel

|Chapter 6|

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"Ang galing mong kumanta Bessy ko! Sorry ha, naubos ko yung isang cheeseburger dahil sa galing mo!" bati sa akin ni Charmee na parang sasakalin ako sa higpit ng yakap niya. What! Naku naman oh! inubos niya yung cheeseburger ko! Aangal pa sana ako pero naisip ko, libre niya yun at wala akong rights para manlaban pa. 😶

"You're the best pagdating sa Korean Language! Can you teach me, Jamaica?" tanong naman ni Amirah. Napatango nalang ako as response sa kanya, sabay ngiti. Ayokong maging awkward no, kaya kahit medyo labag sa kalooban ko, medyo lang ginawa ko parin. Sobra akong hanga sa kagandahsn at kabaitan ni Amirah, at wala akong problema sa kanya. Yung lecheng manok namang to eh, kung makatingin sa akin parang gusto akong patayin. Hindi ko lang gets. Pero ni isang word wala akong narinig sa kanya. Anyare dito? Trip ba niyang tumahimik? Wala naba siyang dila?

"You're always be the Best for me, Jada. Grabe, napabilib mo ako. Sabay lahat sa pagkanta mo. Sana kumanta ka ulit ha. Sarap kasing pakinggan ng boses mo!" puri ni.....uhmm. Robert. Yung expression niya sa akin parang sinabi niyang ako lang yung pinakamagaling na nilalang sa mundo, amazed siya. Grabe ha, in my life, first time ko lang makarinig ng ganoong complement. Di ko gets tong sarili ko kasi bigla nalang akong napangiti 😁 yan. Labas yung ngipin at gilagid.

"Naks naman. Thank you Robert."

Tiningnan ko naman siya, gusto ko kasing makita yung reaksyon niya. And tama ako, mukhang jealousy siya. Nakataas pa naman yung isang kilay niya. 🤨 confused yarn? Bakit naman? Feel ko talaga nagseselos siya sa amin ni Robert. So what eh close talaga kami ni Robert and special siya sa akin. Kaya nga, uhm. Ayokong malaman niya yung feelings ko for him eh. Takot akong masira yung relationship na meron kami.
"Good. Kumanta ka pa, boses palaka."

What in the earth of the motherly, duality world! Anong sabi niya?! Kumanta pa daw, boses palaka! What the heck! Ano namang gusto niya! Makapang-lait ting lecheng to wagas! Nanggigil ako ha! Sarap niyang hambalusin ng bag sa totoong lang. Ang sakit niya sa bangs. #ikalmaangmagandangselfjada ang OHT natin for today's video.
Oh diba, natawa sila. Si Charmee, si Amirah makatawa naman parang pusang inuubo tapos si Robert, makatawa parang ano, basta, ang cutie eh. Sinamaan ko nalang ng tingin yung shutang manok na iyon. Pasimple pa siya, sobra siyang natawa sa sinabi niya. Self joke yarn? Hindi nakakatawa sa totoo lang. Pero at least ngumiti for once in a while. Akala niya kasi kinagwapo niya yun. Mukhang siyang aso. 🤌🏻🤌🏻

Nabadtrip ako kaya, tinalikuran ko nalang sila. Medyo sumama yung loob ko eh. Ang sarap talagang pektusan ng lalaking yun! Parati siyang KJ at panira ng momentzz! Gigil ako. At least no, nakanta ko yung faborite OST ng Scarlet Heart. Well, si Jefferson parang si Wang So, pareho sila ng ugali. Ugali lang ang same pero yung mukha hindi. Manok si Jefferson, wolf dog na gwaping si Wang So. And sa tingin ko, si Wang Wook ay si Robert, pareho silang mabait, guwapo, matalino at matino. 100% sure ako dito. Feel ko lang naman na ako si Hae Soo, hehe. Nalilito, nahihilo. Char!

Pero dapat hindi ko sila kinukumpara. Magkaiba sila. At bilang Hae Soo, (feelingera) walang Wang Uk at Wang So sa buhay ko. Lol. 🤌🏻😜

Nilingon ko nalang sila, nakaka out of place eh. Himala namang nagkaayos sina Robert at Jefferson. Grabe eh no. Akala ko ba enemies sila. Hindi naman ata plasticrelationshio yung meron. Once in for all, okay na rin yun kesa na magkaaway sila. And that Amirah Gurl, swerte niya ha.

"Uhm. Hi Jamaica. Pwede bang sabay tayo?" Speaking of Amirah, nasa harap ko na siya.

"Ha?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.

Kiss Broken Hearts Goodbye (COMPLETED)Where stories live. Discover now