•Chapter 2•

36 12 3
                                    

Kiss Broken Hearts Goodbye written by fabulousqueenangel

|Chapter 2|

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"Is this true? Ang bagong transferee na si Jefferson Rodriguez ang classmate natin." sabi ni Charmee habang kumakain ng Ice Cream na Chocolate Flavor. Kanina pa niya inuulit yang linya na yan. Mga 5x na. Grabe siya.

" Is that true? Kanina mo pa inuulit yang line na yan ah? Wala kana bang ibang alam sabihin?" pambabara ko sa kanya.

" Ba't ba kasi ang init ng ulo mo ngayon? Meron kaba?" sabi niya. Bakit? Trip ko lang magtaray, mali ba?

" Trip ko lang." sabi ko. And speaking of init ulo peg ko ngayon. Iba din yung Jefferson na yun eh. Mukha siyang manok.

Alam niyo kasi, matapos yung eksenang yun, yung in-offer niya yung kamay niya, syempre, nabigla ako, pero nang aabutin ko na sana yung kamay niya, agad niyang binawi. Sabihan kapa namang " Hindi mo ba gets Miss? 5 mins kang tulala, nangangalay kamay ko" plus pa ng mga kantyaw at pang-aasar ng mga classmates ko. Tse! Kairita lang.

" Nakakainis kasi yung hambog na yun, napahiya tuloy ako sa lahat! Ughhhh! Pag ako. Hayst!" sabi ko habang nanggigil kaya lang may plastic spoon pala akong hawak kaya nabali! Hehe. Sorry spoon, na deads kana. RIP.

" Hahahahah, sa galit niya, naputol yung spoon hahahah! Grabe siya hahahah!" tawang-tawa si Charmee Guys. Ano, ipasok kaya tung kutsara sa bibig niya? Pwede ba? Sabihin niyo lang gagawin ko, ngayon na.

" Haahahha tawang-tawa ka? Sige laughing pa more, ubo-ubo later." sabi ko sa kanya at hindi nga ako nagkamali, umubo siya na parang pati lungs niya nililindol! Duhhh!

Nabadtrip ako at tumayo na. Dire-diretso lang akong naglakad ng makasalubong ko ang hambog na feeling pogi na hindi naman pogi, leche! Pasalamat siya, mabait ako at maganda kaya nginitian ko siya. Langya ang loko, tiningnan lang ako at binungo pa, mahina lang pero, nung magdikit ang balikat namin, parang kinuryente ako. Oo, mga 500 bolts ba.

Nag-init ang ulo at nilingon ko siya, tinawag siya na parang may malaking utang sa akin. Pwes ako ha, kanina pa ako namumuro.

"Hoy, Jefferson na bagong transferee na feeling pogi!" sigaw ko. Napalingon lahat ng tao sa canteen. Lumingon siya with nang-aasar face pa. Lumapit siya sa akin nakasuksok ang kamay sa bulsa niya. Nagpapacool ba to? O baliw lang?

"Yes, my lady? Don't worry! You can hold my hand." sabi niya sabay kuha ng kamay ko at pinatong sa kamay niya. Kukunin ko na sana, pero nilock-in finger pa niya. My goodness, anong utak meron tong lalaking to.

"Guys, chill lang kayo, may kaunting LQ lang kami ng girlfriend ko. Honey,my love, so sweet c'mon." sabi niya sa lahat at sa akin. Kinindatan niya pa ako.

Oh my goodness, fineness, ugliness! Ano ba ting lalaking to? Takas mental? Ano daw? G-girlfriend? Talaga?

"Ohh my god!" impit na tili ni Charmee na parang kinikilig na parang may bulate. Kalurka!

Hinatak na ako ng bwisit na lalaking to at dinala sa may covered gym, naka-basketball attire siya, basketball player pala to? Medyo mataas din pero mukhang posteng hindi kinabitan ng ilaw ng Meralco.

"Huy, panget! Bitawan mo ako anong gagawin mo sa akin? May gagawin ka? Magdasal kana dahil lalabanan kita! Huy." sigaw ko habang nagpamewang-mewang sa harap niya. Napa half smile naman siya😏. Langya! Sarap batukan.

"I just want to tease you Miss Jada, you're reaction is always epic and priceless." sabi niya. Priceless?

"Priceless? Hindi naman ako nagbebenta ng reaction, pero kung nagbebenta man ako, bibili kaba?" sabi ko habang nagpapacute. Napatawa naman siya. Omeygheeeeedddddd, ang cute niya tumawa. Kakainlove! Yung tawa niya lang, pero siya hindi.

Kiss Broken Hearts Goodbye (COMPLETED)Where stories live. Discover now