•Chapter 4•

38 5 9
                                    

Kiss Broken Hearts Goodbye written by fabulousqueenangel

|Chapter 4|

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Bakit mo ako niyakap Jada, hindi ako makahinga."

Oh my Goodie Goodness! Bakit ang dumb dumb ko! Nanatili akong nakatingin sa confused na mukha ng Manok!

"Bakit nga ba?" tanong ko sa sarili ko. Paano na to?

"Uhm, hehe. Sorry."

Yun lang ang nasabi ko. Gosh. Agad akong napatakbo palabas ng room dala ang backpack ko. Kasing bilis pa ng Kabayo 🐴 (alam kong unicorn yan, gusto ko kasi Pink.🦄) Wala akong pake kung saan ako mapadpad, okay lang.

Sobra na akong hiningal kaya, nagpahinga muna ako saglit. Everything is everyday. What an embarrassing moment ang nangyari kanina. Obviously, hindi ko talaga alam ang nangyari. Masyado talaga akong na carried away dun kay Mr. Pogi na yun. Sino ba siya?

"Jada! Stop thinking about him na! Dahil sa kanya, na trouble ka doon sa Manok na yun!" sabi ko habang sinasampal-sampal ko ang noo ko ng 3 times. 🤦🏻‍♀️

Bigla na namang bumalik sa isip ko yung nangyari kani-kanina lang. Bakit ganun? Hindi ito tama! Mas lalo akong mapapahiya! Parang totoong may something nga naman kami ni Jefferson. Yun ang hindi totoo.
Napaupo nalang ako sa may hallway, hindi ko nalang namalayan, umiiyak na ako. Hindi ko ma-explain kung ano ang nararamdaman ko.

"Jada, bakit ka umiiyak? Ano bang nakakaiyak!" hikbi ko. Ang weird lang. Isa lang ang dahilan, si Jefferson.

"I h-hate you so m-much J-jefferson! I hate you!!!" sigaw ko. I don't know kung may mga tao bang nakatingin sa akin ngayon pero gusto kong ilabas lahat ng galit ko. Mababa lang ang rason pero hindi ko maintindihan.

"Stop crying Miss, hindi yan nakakabuti sayo." sabi ng stranger na- OMG! 🤭 Si..

"Hey, I'm Robert, I'm Charmee's Cousin. You're her best friend right?" sabi niya. OMGGG! Siya nga! P-pero Robert?

"Hi?" sagot ko. Gosh! Ano bang dapat isagot? Nanginginig na ako sa di ko gets pero feeling ko, ang sarap sa feeling na kasama siya. Siguro?

"Why are you crying? Ayos kalang ba?" OMG! Yung paraan kung paano siya magsalita. Para talagang si J ko! Kaso yun ngalang, hindi grey yung mga mata niya at hindi siya seryoso, para kasing masiyahin siya. Tapos yung pagiging pareho lang nila ay yung hubog ng mukha at ilong, parang British Man nga.

Nagulat nalang ako na, may dumamping mainit na bagay sa mukha ko. Panyo pala. Pinunasan niya yung luha ko. Para akong kinuryente! bolts! Tapos yung feeling na parang gusto mong tumili? Sa tuwa.

Nanatili kami sa ganoong posisyon. Sa totoo lang, first ko palang maka eye-to-eye ang isang lalaki. Pareho sila ni Jefferson, pareho silang nagparamdam sa akin ng ganitong feeling na hindi ko maintindihan.

"Jada, pumasok na tayo, nandiyan na si Ma'am." Nagulat kami ni Robert nang may nagsalita sa tabi namin.

Seriously! Si Jefferson, habang naka poker face siya. Bakit parang galit siya? In fairness, gwapo rin siya kapag seryoso. Napansin ko ring matangkad siya kaysa kay Robert at, bakit ko nga ba sila kinumkumpara?

Hinila agad ako ng mokong na ito palayo kay Robert. Agad akong nataranta, liningon ko si Robert, nakatingin lang siya sa, kamay namin ni Jefferson!!! Holding hands? Nabaling agad ang tingin ko kay Jefferson na seryosong nakatingin sa daanan, hindi ko siya maintindihan! Itong mga paa ko ay mga taksil rin eh , hindi pa kami natapos sa pag-uusap ni Robert.

Kiss Broken Hearts Goodbye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon