"Ganon po ba. Pwede nyo po bang ituro saakin?"

"Aba'y sege. Halika't sasamahan nalang kita." Nangiti nitong saad.

"Sege po. Maraming salamat. "

Ang pangalan nya pala ay Madam Cynthia Rowley nagkwentuhan kami habang naglalakad. Nakakatuwa kasi nakapag asawa pala sya ng kano at mahigit 8 years na pala syang nakatira dito sa subdivision na ito. Wala syang anak kaya sobrang naantig sya sa kwento ko. Nasabi ko rin kasi na ulila na ako. Gusto nya nga na kupkupin ako pero nakakahiya naman sakanya. Kakakilala nya pa nga lang saakin.

"Ano ba ang pilyedo ng hinahanap mo iha?"

"Vegas po. "

"Aba'y Vegas ba kamo? Isang Vegas lang ang kilala ko at malapit nga sa puno ng sampalok ang bahay nila. Ayon oh!" Sabay turo nya sa malaking bahay na kulay black ang gate.

"Naku, maraming salamat po ulit sa tulong, Madam. "

"Ano ka ba, ayos lang. Kung wala kang ginagawa o bakante ka, pwede kang bumisita sa bahay at ipagluluto kita nga specialty kong adobo." She smiled.

Nagpaalam na sya kaya naman binaling ko na ang atensyon sa malaking gate ng bahay nila Grant.

Grant was my childhood friend. Tuwing bakasyon ay doon sila nag sstay sa bahay ng lola nya na katapat lang din ng bahay namin. Palagi akong excited noon kapag bakasyon na dahil alam kong makikita ko na naman si Grant. But he stopped going there every summer after mamatay ng lola nya. Actually the last time I saw him ay nung burol ng lola nya. Iyak ako ng iyak ng magpaalam na si Grant. Kaya kumuha sya ng papel at sinulat ang address ng bahay nila dito sa Manila.

"Tandaan mo ha, katabi ng bahay namin ay puno ng sampalok. Kung pupunta ka doon sa bahay namin mag doorbell ka lang at pagbubuksan kita."

That was the last moment that I have with him. After no'n nabalitaan ko nalang na ibinenta na pala ng Daddy nya ang bahay nila doon. Nawalan na ako ng pag- asa na makikita ko ulit sya.

I pipres ko na sana ang doorbell ng matigilan ako, kilala nya pa kaya ako? Ah! Bahala na. Kung makilala man o hindi tutuloy parin ako. Pakapalan na 'to ng mukha.

Pinindot ko na ang doorbell pero wala paring taong sumasagot kaya inulit ko uli.

"Sino yan?"

Natanaw ko ang isang matabang babae na papalapit sa gate. Siguro kasambahay sya rito.

"Uhmm kay Grant Vegas po?"

"Ay naku day, wala si ser ngayon. Balik ka nalang bukas."

Ano? Bukas? So mag aantay pa ako rito hanggang bukas?! Anlayo layo na ng nilakbay ko tapos paghihintayin lang ako ng matagal?

"Te, baka naman pwede makisuyo. Pakitawagan si Grant sabihin nandito si Taffy. Yung kababata nya sa San Dominico."

"Sabi kasi saamin ni ser, tatawag laang kung emergency. E, hindi naman ito emergency baka malintikan ako no'n." Sabi nya at dahan dahang sinara ang gate.

"Ganon po ba. Wait! Anong oras po ba sya umuuwi?"

"Hindi ko alam e. Baka mag obertime yun sa trabaho. Baka gabi na 'yon umuwi o kaya sa opisina na nya mismo sya matulog. " Pagkatapos no'n ay tuluyan nya nang sinarado ang gate.

Pagbubuksan my ass! Sabi nya sya mismo ang magbubukas gate kapag pupunta na ako dito. Kainis! Napasabunot nalang tuloy ako sa buhok ko.

Tatlong oras na akong nag aantay ritong nakaupo sa gutter sa labas ng bahay nila Grant. Ni anino nya hindi ko mahagilap. Nilalamok na ako dito anong oras na!

Maya maya ay may pumaradang BMW sa harap ko. Sobrang liwanag ng ilaw mula sa sasakyan halos mabulag na ako. Grabe naman yan! Sa pagmumukha ko pa talaga.

May bumabang lalaki mula roon kaya agad akong napatayo sa kinauupuan ko.

"Who are you? What are you doing here outside my house?"

Pagkapatay ng ilaw ay doon ko pa naaninag ang lalaking nagsalita. Kung si Grant man 'to in fairness ang pogi nya na.

"Grant?" Tawag ko sakanya.

Nag bukas ang gate at lumabas galing doon si ateng mataba na nakausap ko kanina.

"Ay ser! Nandito na pala kayo, kumain na po ba kayo?"

"Grant? Ikaw na ba yan?" I smiled while I carefully examined the man in front of me. Pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon nya. Nakatingin lang sya saakin ng blanko. It's like he's judging my entire presence.

"Ay, sinong Grant ba day? Si Sir Calren yan." Naguguluhang saad ni Ate Taba.

"If you're looking for Grant, you're in the wrong place. "

Nanlalaban ang malamig nyang titig sa naguguluhan kong tingin. "Kung hindi ikaw si Grant, maybe kilala mo sya? Ang sabi nya kasi dito raw sya nakatira, dito. Sa may tabi ng puno ng sampalok."

"Yeah he's right. Dito nga sya nakatira. "

I felt relieved.

"Well, he used to. " Dugtong nya na muli ko na namang ikina confuse.

"Ahmm.. lumipat ba sya ng tirahan? Maybe you could tell me kung saa—". Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol nya na iyon.

"He's not here anymore. Grant is dead. My brother is dead. "

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now