Saka ko lang napansin na puro kanin ang tapat ng pinggan ko. Kasi naman ay kay Lucas ako nakatingin.

Pero nakakainis si Mommy. Ipinapahiya ako sa boyfriend ko.

“Kailan pala ang balik mo sa hacienda, Lucas?” tanong nito sa binata. Nagkaroon ako ng dahilan para malayang titigan ang huli.

Sus, gwapo!

“Kung ‘di po mamaya ay baka bukas nang madaling araw,” magalang na sagot nito kay Mommy.

Plus point. Syempre gusto ni Daddy na magalang ang magiging manugang niya at nakakuha ng puntos si Lucas doon.

Pero teka. Aalis na pala ito. Aalis ito nang hindi kami nagkakausap nang maayos. Tsk. Hindi naman yata pwede iyon.

“Lucas, p-pwede ba tayong mag-usap pagkakain?” wika ko matapos humugot ng lakas ng loob.

Kumunot ang noo ng lalaki. Nang tingnan ko naman si Daddy ay ganoon din ang ekspresyon ng mukha nito. Mabuti pa si Mommy, pokerface lang.

“Tungkol sana kay Freya,” mabilis kong pahabol.

“Grounded ka, ‘di ba?” paalala naman ng aking ina. Muntik ko na tuloy itong irapan.

“Mom, minutes lang naman, e!” labi ko.

“Bakit sa akin ka nagsasabi? Daddy mo ang kausapin mo.”

Sumimangot ako sa narinig. Nahuli ako ng ama kaya tumikhim ito.

“Kulang ba ang black card, Pauline, kaya nakabusangot ka? Mamaya ay wardrobe mo naman ang bibisitahin ko—”

“No, Daddy!” Napatayo ako sa sobrang pagsisisi. Hindi ko dapat ito sinimangutan.

Napapahiya na ako kay Lucas. Sana’y alukin na lang niya ako ng kasal para makawala ako sa bahay na ito.

Naku, kung ano-ano ang naiisip ko!

PAGKATAPOS kumain ay inaya ko si Lucas sa veranda. Presko na ako noon dahil nakapagbihis na ako nang maayos. Para akong dadalo sa party dahil naka-slit dress ako at five inches heels. Kung pwede nga lang ay nagpa-salon pa ako, kaya lang ay gagahulin sa oras.

“Ano ang pag-uusapan natin tungkol kay Freya?” tanong nito nang maupo kami.

“Wait. How do I look? Do you like my dress?”

He sighed na para bang biglang nainis. Natigilan ako sa reaksyon nito.

“You look great, kung iyan ang gusto mong marinig.”

Aba at bakit galit? Para sasabihin lang na maganda ako’y hindi pa magawa nang ayos. Hmmp!

“Thank you,” nakangiti ko pa ring wika sa kabila ng coldness nito. “Nga pala, hintayin mo lang akong magsabi kay Daddy ng tungkol sa iyo. Medyo mainit pa kasi iyong issue kaya—”

“You don’t need to do that. Ano ba iyong tungkol kay Freya?”

Tumikhim ako. Tingin ko ay wala sa mood ang binata. Nakakapanibago dahil hindi naman ito ganoon ka-cold noong una ko siyang makilala. He was so hot at that time.

“Iyon nga. Hindi ba naikwento ni Freya? Muntik lang naman niyang sirain ang party ko dahil sa video natin. Nagalit tuloy si Daddy kaya grounded ako. But don’t worry...I decided to forgive her na lang since kapatid mo siya.”

Muli itong bumuntong-hininga. “Pauline, ayokong sirain ang friendship n’yo ni Emma, pero naniniwala ako sa kapatid ko. Hindi niya magagawa iyon. Nasasa-iyo na lang kung ano ang mas paniniwalaan mo.”

Sabi ko na, e. Syempre kadugo nito kaya malamang na kampihan niya si Freya. Imposibleng si Emma dahil mahal ako n’on. Si Freya lang naman ang hater ko.

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now