Chapter 32: Bracelet

Start from the beginning
                                    

"Please naman, Doc! I'm begging! Just do everything! That's the only chance for my daughter to survive! I'm begging you..." Nagsimula nang humikbi si Mommy. "I already told her about this, alam mo ba 'yon? And she was very happy kasi sa wakas gagaling na siya... But then..." Hindi na napigilan ni Mommy ang mapahagulgol.

My knees got weakened and my eyes burst into tears. Mas lalo lang akong nahihirapang huminga. Talaga bang wala ng pag-asa? Talaga bang... wala ng paraan pa para gumaling ako?

Sumikip ang dibdib ko habang naririnig ang hagulgol ni Mommy sa loob. Alam kong nasasaktan siya. Ang pag-asa namin ay bigla na lang nawala. Akala ko pa naman may pagkakataon na akong gumaling. Nagkamali pala ako. There's no chance at all.

Umalis ako sa kinatatayuan ko at nagtungo sa kuwarto. Humiga ako sa kama at doon ay humagulgol na rin. Ang sakit lang isipin na wala na naman 'yong pag-asa namin. Bakit gano'n? Ang unfair ng buhay ko. Wala ba talaga akong karapatang maging masaya at mabuhay ng normal gaya ng iba? Bakit ako pa?

***

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Kinapa ko iyon sa gilid ng unan ko at nabasa ang pangalan ni Remi. Namimiss ko na sila pero mas pinili kong huwag nang sagutin ang tawag niya. Sunod naman ay nagpunta ako sa message nang makitang may ilang messages din akong natanggap.

For a moment, kumirot ang puso ko. It was from Akira. Kinakamusta niya ako at namimiss niya na rin daw ako. I want to compose a message for her but then, I decided not to. Mas lalo lang kasi akong nasasaktan sa mga ginagawa niya. She's still engaged, after all. Kaya bakit pinapaasa niya pa rin ako?

*TOK! TOK! TOK!*

Nabaling ang atensiyon ko sa mga katok sa labas ng pinto ng kuwarto ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga.

"Bukas po 'yan," sabi ko na lang. Wala kasi akong lakas para tumayo at buksan ang pinto. Wala pang ilang segundo ay bumukas ang pinto at pumasok si Mommy na may ngiti sa labi.

"Dinner is ready," she said as she sat in front of me.

"Wala po akong ganang kumain, Mommy," malungkot kong tugon. She just sighed. "I overheard your conversation with Doc. Rivas earlier..." I started. Bahagya naman siyang nagulat at umiwas ng tingin.

"I-I'm sorry, anak. I'm sorry," she apologized.

I forced to smile. "Don't be, Mom. There's nothing to be sorry for. Tanggap ko naman na po. Tanggap ko po na baka... wala na po talagang chance."

"No. Don't say that. Habang nabubuhay ka, laging may pag-asa, okay? Erase those negative thoughts from your head. Maybe, this is not the right time yet. Marami pang chance, anak. Just don't give up."

Bahagya akong yumuko. I want to believe everything that she said. Pero alam kong pinapalakas niya lang ang loob ko. And that chance that she's talking about? We're not even sure about that. Perhaps it's only a miracle that could heal me.

A FEW days passed, and here I am, finally back to school again. I missed going to school everyday. I missed my classroom and my friends. I couldn't help but to smile while heading my way to the classroom.

As soon as I entered inside our classroom, all eyes on me. Especially, my friends na halatang gulat sa pagbabalik ko. Wala kasi akong sinabihan dahil gusto ko silang i-surprise.

"Crystal?!" Remi stood up. "Crystaaal!" She ran to me and hugged me tight. "I missed you so much! Mabuti naman at pumasok ka na!"

"I missed you too," I retorted happily.

"Ang dami mo nang na-miss na lessons. But don't worry, I'll let you borrow my notes."

Natawa ako sa sinabi niya. "Good!"

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now