CHAPTER 23

33 1 0
                                    


I was so dizzy to stand up straight.

hindi ko alam na malalasing ako ka agad ng wine na iyon. O sadyang mababa lang talaga ang alcohol tolerance ko and beside, its my first time drinking wine.

Inalalayan ako ni Achelis palabas sa party sa mansyon ng kaibigan nila. Hindi pa nga kami nakapagpaalam sa mga itlog dahil nagmamadali itong lalaking ito. Hindi ko rin naman sila mahagilap.

"Sakay." seryosong ani ni Achelis habang hawak ang pinto ng sasakyan na naka bukas para sa akin. Galit ba siya?

Tahimik na pumasok ako sa loob ng sasakyan at naupo. Sinara niya agad iyon nang makapasok ako at umikot siya para pumasok at maupo sa drivers seat. Naka kunot ang makinis niyang noo at seryuso ang eskpresyon ng mukha.

Buong byahe ay tahimik lang kami. Walang may balak magsalita sa amin. Pa minsan minsan naman ay sinusulyapan ko siya.

Pagdating namin sa mansyon ay sinalubong kami ni ate Doralyn.

"Arin! ayos ka lang ba? naku hindi mo na ata kayang maglakad ng tuwid." hinawakan ako niya ako para alalayan papasok sa loob ng mansyon.

"Kaya ko po ate." nginitian kopa ang babae at umalis sa pagkakahawak niya para ipakitang kaya ko. "Tignan mo po."

Pero lintek itong dalawa kong paa ayaw makisama. Nagpa giwang giwang ako at muntik pang masubsob. Hindi ko pala kaya.

Bago pa ako tuluyang masubsob ay may dalawang kamay na humawak sakin at inalalayan ako. Achelis is holding me tightly. Ganoon parin ang eskpresyon ng mukha niya.

"You can go now, ako na ang bahala sakanya." sabi niya kay ate Doralyn na agad ikinatango ng babae "Aba'y sige 'tutulog na rin ako." naka ngiti sakin ang babae habang pa alis. Ano kaya nakain ni ate Doralyn.

"Kaya ko mag lakad." pilit akong kumakawala sa hawak niya "Bitaw ano ba."
nagpupumilit parin ako pero ayaw niya talaga ako bitawan.

"Wag kang malikot." hindi na ako nag likot hanggang sa makarating kami sa second floor baka mainis pa siya sakin at maisipang bitawan ako habang pa akyat kami sa hagdan.

Binuksan niya ang pinto ng kwarto ko habang akay parin ako. He turn on the lights saka kami pumasok. Pinaupo niya ako sa dulo ng kama at biglang lumuhod na ikinasinghap ko. Akala ko kung ano pero naramdaman ko ang kamay niya sa paa ko. Hinuhubad ang heels na suot ko. Namula ako sa inaakto niyang ito hindi ko alam pano mag react. Nang tuluyan na niyang mahubad ang suot kong heels ay tumayo siya habang hawak ito sa kamay niya at nilagay sa gilid. Tahimik ko lang siyang pinapanood.

"Sabi mo hindi ka pupunta sa party." hindi ko na kinaya ang katahimikan at gusto ko ring malaman kung bakit siya sumunod gayong sabi niya ay hindi siya pupunta.

Meron sa loob kong umaasa sa magiging sagot niya.

Matagal bago siya sumagot "May pinuntahan akong malapit lang sa party." saan naman yung pinuntahan niya? ah baka si Samantha. A part of me feels disappointed with his answer. I shouldn't expect.

"Okay." I tried not to sound bitter.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama para pumunta sa cr. Kahit gumewang giwang ay tagumpay kong narating ang pintuan ng cr. Pumasok ako sa loob, hinayaan kong naka bukas ang pinto.

I wash my face with soup to remove the light make up I put. After washing my face I grab the white towel to dry up my face. Paglabas ko sa banyo akala ko ay umalis na si Achelis sa kwarto ko pero hindi. Naka upo siya sa dulo ng kama ko kung saan niya ako pinaupo kanina. Nakayuko ang ulo niya at naka tukod ang dalawang kamay sa kama.

I stop infront of him.

"May kailangan ka pa ba?" tanong ko sa mababang boses.

Nag angat siya ng tingin at tumingila sakin. Ang namumungay at malamlam niyang mga mata ay deretsyang naka tingin sa mukha ko tila ba pinag aaralan ang bawat eskpresyon ko.

The Arrogant Beast Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang