CHAPTER 22

25 1 0
                                    


Tenext ko si Circe kung nandito paba siya sa school para sakanya na lang ako sasabay pero nereplyan lang ako nito na may pupuntahan siyang birthday party at nag sorry.

Sabi ko naman ay ayos lang. Kaya no choice ako kundi mag text rin kay Demetri ngunit hindi nag rereply ang lalaki na ikinabuntong hininga ko.

Ibinulsa ko ang cellphone at walang ganang naglakad papalabas ng parking lot. Wala akong choice kundi mag commute dahil busy silang lahat. may biglang bumusina sa likuran ko kaya nilingon ko yon. Isang puting BMW. Kumunot naman ang noo ko, sino naman to?

Mula sa puting bmw ay bumaba ang isang matangkad na lalaki. He's wearing a brown tshirt and blue basketball short, he's just wearing a slippers and a pair of white nike socks. Ang swabe.

"Are you going to commute?" tanong nito sakin "Oo, wala kasi yung sasabayan ko sana umuwi." sagot ko sa tanong niya

"It's already 4:48 pm siguradong punuan ang mga jeep, sabay kana sakin." I was hesitating to accept he's offer nang maisip ko na padilim na rin at mahirap maka sakay agad ng jeep pag ganitong oras dahil madaming studyante at umuuwi galing sa trabaho at ibat-ibang lakad. ayoko rin naman gabihin.

"Ah sige pa sabay, tipid pamasahe narin hehe." nahihiyang sabi ko sakanya na ikinatawa niya ng mahina.

He guided me to the shutgon seat and open the car's door for me, he even place his hands on the top of my head nang papasok na ako sa sasakyan. A small smile form on my lips. What a gentle man. Napapa act fool nalang ako ng wala sa oras.

"THANK YOU sa pag hatid, dito nalang." keme kong sabi dito nang pina hinto ko siya dito sa harap ng karenderya malapit sa village.

"Your welcome Ms. Cat lover." natatawa niyang sagot na mahina ko ring ikinatawa.

I waved my hand at the back of his bmw. Nang wala na ito sa paningin ko ay naglakad na ako papasok sa village. Doon ko siya pina hinto at hindi sa dito sa village o magpahatid sa mansyon. Hindi ko alam pero yun ang pakiramdam ko na dapat hindi siya mapunta dito. Saka isa pa kahit anong tahimik nitong nitong village ay alam kong ligtas ako dito.

Ajax is so comfortable to be with. Hindi ako nakaramdam ng ilang habang kasama siya sa sasakyan niya. We talked about the pet shop and told me a lot of things about cats. He even tell me about my reserved cat na balak kong bilhin sa pet shop ni kuya Charles hindi daw iyon pinagbibili ng uncle niya sa iba tuwing may magkaka interest na bilhin ito at sinasabing may nag mamay ari na dito. I should visit the pet shop and thank kuya Charles for that.

Once I receive my first 50 thousand salary I will go there and get that little Siamese. I can't wait to have her!

I WAS doing my homeworks when I suddenly think of Achelis. Gabi na pero hindi parin siya umuuwi. Nag date siguro sila ng malditang Samantha na iyon. Pake ko naman kung saan sila pumunta at kung ano ang ginagawa nila sa oras na to.

Sila naba ulit? I suddenly feel uneasy at the thought. So what if sila na ulit? It's none of my bussiness but a part of me hate that idea in my head. I don't understand my self these days. Naiinis na ako sa sarili ko. I'm confused.

Nauhaw ako kaya tinigil ko muna ang pag susulat at bumaba saglit para uminom ng tubig sa kusina. I didn't bother to switch the lights on at dumeretsyo lang sa kusina. Binuksan ko ang ref at kumuha ng pitchel kumuha rin ako ng baso at nag salin ng tubig.

Agad rin akong bumalik sa sa taas pagkatapos kong uminom ng tubig at pinagpatuloy ang pag susulat. Nang matapos ay tumayo ako at nag unat pumunta ako sa harap ng bintana ko sa kwarto at sumilip. Umuulan. Hindi parin siya dumadating. And why I am waiting for him?

Bumalik ako sa study table at niligpit ang mga gamit ko at pina loob ulit sa bag hindi ko rin kinalimutan ang mga gamit na kailangan ko bukas by subjects para wala akong problema. Nang masiguro kong wala na akong nakalimutan ay pinatay ko na ang ilaw sa study table.

The Arrogant Beast Where stories live. Discover now